‘Holding legs’ photo nina Yassi Pressman at Luigi Villafuerte viral na: ‘Akala ko sa kambiyo nakahawak si Gov!?’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Yassi Pressman at Luigi Villafuerte
VIRAL na ngayon sa social media ang mga bagong litrato together nina Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
In fairness, mukhang unti-unti na ngang inilalantad ng dalawa ang kanilang espesyal na relasyon sa madlang pipol matapos kumalat ang balitang may namamagitan nang “something” sa kanila.
Ito’y dahil nga sa paglantad ng kanilang “kissing photo” na kuha sa 74th Foundation Day ng Bombon, Camarines Sur, noong August 13, 2023. Dito, nakitang hinalikan ng gobernador si Yassi sa pisngi.
Kasunod nito ang pag-amin ng fiancé ni Yassi na si Jon Semira tungkol sa kanilang paghihiwalay. Pero hanggang ngayon ay wala pang official statement ang actress-TV host tungkol sa kanilang breakup.
Bukod dito, hindi pa rin nagpapaliwanag si Yassi tungkol sa kumalat na 10-minute engagement proposal video nila sa social media na kuha raw noon pang 2022.
Nito namang nagdaang August 8, bumandera sa social media ang mga pictures nina Yassi at Gov. Luigi habang magkasama sa isang ATV adventure.
Unang na-post ito sa Facebook account ng isang netizen na may caption na, “SALA NA NAMAN NAKAPTAN NI GOV (laughing emoji),” na ang ibig sabihin ay “Mali na naman nahawakan ni gov.”
Makikita kasi sa litrato na nakahawak ang kanang kamay ni Luigi sa kaliwang hita ni Yassi. Kapansin-pansin din ang twinning bracelet ng dalawa.
Narito ang ilang comments na nabasa namin sa nasabing FB post.
“Witwiw Swerte man talaga.”
“Kala ko s kambiyo nkahawak si gov. legs pala ang kinambiyo.”
“Umiral nanaman ang aking kamay gumalaw…Nice Gov.”
“Galawang hokage! Gov Luigi Villafuerte But congrats in advance saindong duwa kin magkadagusan.”
“Kanang kamay sa pagitan ng hita habang isa’y nagmamaneho.”
“Kayo naman pati kamay ni Gov pinapansin.”
“Inggit nlng tau mga bes na mga tambay ang mga manliligaw.”
Samantala, hanggang ngayon ay wala pang diretsahang pag-amin sina Yassi at Gov. Luigi tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Magdyowa na nga ba o sweet as friends lang?