Wil Dasovich cancer-free matapos ang mahabang gamutan: ‘Ang hirap ng chemotherapy…but I’m not going to let anything hold me back in life’

Wil Dasovich cancer-free matapos ang mahabang gamutan: 'Ang hirap ng chemotherapy.. but I'm not going to let anything hold me back in life'

Wil Dasovich at Karen Davila

PAGKATAPOS ng napakahabang proseso ng medical treatment, idineklara nang cancer-free ang content creator na si Wil Dasovich.

Talagang lumaban at hindi sumuko si Wil sa pakikipaglaban sa kanyang stage 3 colon cancer at ngayon nga ay masasabi na niyang magaling na magaling na siya.

Sa YouTube vlog ng kanyang tiyahing broadcast journalist na si Karen Davila, nagbahagi si Wil ng ilang detalye kung paano niya hinarap ang kanyang nakamamatay na sakit.

“Yes, I was declared cancer-free just a few months ago. I think it’s a beautiful thing to do na I just was declared cancer-free and now puwede ko ipakita sa mundo na I can break a record and my body is I feel a hundred percent,” ang kuwento ng binata kat Karen.


Ang record na tinutukoy ni Wil ay ang nakuha niyang National Record For Underwater Breath Holds at 5 minutes and 39 seconds.

Natatandaan pa raw niya nang may mga nagsabi sa kanya na kahit magpagamot siya at gumaling at hindi na magiging 100 percent okay ang kanyang katawan. Pero pinatunayan niyang posible pa rin itong mangyari sa isang cancer patient.

“They always told me, people always said you’ll never be a hundred percent after chemotherapy, after going through cancer. I can confidently say, I feel 100 percent or even more. Every battle you conquer, you gain more confidence within yourself,” aniya.

Ang pagkakaroon din ng colon cancer ang isa sa mga dahilan kung bakit matapang siyang sumasabak sa mga buwis-buhay na activity, tulad ng bungee jumping, skydiving, pagtawid sa world’s scariest bridge, at marami pang iba.

“This is actually a huge part kung bakit ginagawa ko ‘to ‘yung mga extreme activities na ginagawa ko.

Baka Bet Mo: Carla ibinuking si Rocco: Grabe ‘yung pressure sa kanya, pero napanindigan naman niya!

“When we go back to that time, sobrang fresh niyan sa memory ko na you know hindi mo alam kung ano ang mangyayari and how much time you have left on this earth.

“Gusto ko lang ipakita na puwede mo i-maximize ‘yung life. Naalala ko just being in the hospital bed and not being able to move kasi I was recovering from surgery and you also don’t know if you’re going to fully recover,” pahayag ni Wil.


Inamin naman ni Wil na talagang inatake siya ng matinding kalungkutan nang malamang meron siyang stage 3 colon cancer.

“I remember super down and sad na we take things for granted na walking, I remember walking and running na sobrang pangarap ko was to just get out of the hospital and run.

“I wanna be able to run someday but I was filled with chemo. Ang hirap ng chemotherapy like no matter what I try, I still walk every day but it got to a point na when you’re really deep in chemo, you can’t run because your body just can’t take it physically.

“Lagi akong nangangarap na balang araw I can move, I can be in the sun, I am not gonna be in this hospital and confined. Ipinangako ko sarili ko, I am not going to let anything hold me back in life. I am gonna maximize every single moment,” pagbabahagi pa ni Wil Dasovich.

Gab Chee Kee may ‘last’ chemotherapy pa, sey ni Chito: Parang everything is going back to normal

Carla emosyonal sa lock-in taping; nag-celebrate ng huling kaarawan bilang ‘single woman’

Read more...