Chiz sa mga nagsabing nahawa na siya ng pagiging fashionista kay Heart: ‘Minsan lang umawra-awra, nakukumbinsi lang at napipilit’

Chiz sa mga nagsabing nahawa na siya ng pagiging fashionista kay Heart: 'Minsan lang umawra-awra, nakukumbinsi lang at napipilit'

Heart Evangelista at Chiz Escudero

NA-HEADLINE at talagang naging usap-usapan ng mga Marites all over the universe ang pagsama-sama ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa pagrampa ni Heart Evangelista sa iba’t ibang events sa Europe.

Tinatawag na rin ng mga netizens ngayon si Chiz na “voguish” o “pang-mowdel” ang awrahan dahil sa mga ipino-post na mga glam photos nila ng kanyang wifey sa social media.

In fairness, talagang rampa kung rampa rin ang senador sa mga pinupuntahang fashion events ni Heart, ang huli nga ay ang Paris Fashion Week kung saan nakipagsabayan siya ng awrahan sa kanyang asawa.


Iba’t iba naman ang reaksyon ng mga netizens sa mga pagbabago sa itsura at pananamit ni Chiz, may mga natuwa sa mga transformation photos ng public servant perk meron din mga nangnega, partikular na sa bago niyang kilay.

Pero ayon kay Sen. Chiz, gusto niya lang suportahan si Heart sa trabaho nito bilang fashion icon at influencer. Wala rin daw siyang nakikita kung sabayan niya ang Kapuso actress sa pagiging fashionista.

“I am not part of fashion week. Ako lang yung alalay sa likod ng asawa ko tuwing may fashion week at libre at bakante ako,” ang pahayag ng senador sa interview ng “Headstart” sa ANC.

Baka Bet Mo: Billy umamin kay Korina, nagsimulang magtrabaho sa edad na 3 at naging pizza delivery boy

Pambubuking pa niya sa sarili, “Ako yung tagalaba, tagaluto, tagalinis, tagatahi kapag may kailangan tahiin. Minsan lang uma-aura aura pero hindi palagi yun. Nakukumbinsi lang at napipilit.”

Tungkol naman sa ilang pagbabago sa kanyang lifestyle, “Tumatanda tayo and our objective should be longevity. Not really to look good but more be healthy and to preserve and have longevity. Longevity should be the objective.”


Sa isang Instagram post, todo pasalamat si Heart sa kanyang mister dahil sa effort nito na pasukin at intindihin ang ginagalawan niyang mundo.

“Thank you for all the support you gave,” post ni Heart with matching teary-eyed and heart emoji. “For being the leader of the pack, for protecting me and taking care of all of us this Fashion Week,” dugtong pa niya

“Thank you for loving unconditionally. You are indeed the best.

“Now, Fashion Week will never be the same without you,” she added, “because this time, our comeback is personal,” mensahe pa ng aktres kay Chiz.

Chiz ‘nahawa’ na kay Heart, pak na pak ang pagiging fashionista sa Paris: ‘Told you it was the NEW ERA!’

OOTD ni Xian Gaza patungong Europe umabot daw sa halagang P596,000; inokray-okray sina Andrea at Ricci

Read more...