Paolo Contis sa nalalapit na kasal ni LJ Reyes sa non-showbiz BF: ‘I’m actually very happy for her’

Paolo Contis sa nalalapit na kasal ni LJ Reyes sa non-showbiz BF: ‘I’m actually very happy for her’

Paolo Contis, LJ Reyes, Philip Evangelista

DESERVE maging happy ng aktres na si LJ Reyes.

‘Yan ang sinabi mismo ng actor-TV host na si Paolo Contis matapos siyang hingan ng reaksyon patungkol sa nalalapit na kasal ng dating partner.

“Of course, I’m happy for her. Everyone deserves love. I don’t have anything bad to say,” sey ni Paolo sa entertainment press na bumisita sa look-test session ng kanyang pelikula na “Fuchsia Libre.”

Dagdag pa niya, “I’m actually very happy that she’s getting married.

Kamakailan lang ay ibinandera ni LJ ang pre-nuptial wedding photos nila ng non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista na ginawa sa New York sa Amerika.

Baka Bet Mo: Hirit ni Darryl Yap gawing libre ang tuition fee sa Catholic school, Fr. Benny Tuazon pumalag: Mag-donate ka

Marami nga ang nagsasabi na ang ganda-ganda ngayonng aktres at mukha talagang happy sa kanyang new-found love.

Magugunita noong Mayo lang nang mag-propose kay LJ ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Tatlong taon nang naninirahan ang aktres sa Amerika kasama ang mga anak na sina Aki at Summer.

Iniwan niya ang Pilipinas noong 2021 matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Paolo.

Samantala, pinagkakaabalahan ngayon ng aktor ang ilan niyang mga proyekto.

Bukod sa pagho-host sa noontime show na “Eat Bulaga” at gag show na “Bubble Gang,” busy din siya sa kanyang shooting sa drama-comedy  film na “Fuchsia Libre.”

Gagampanan niya sa nasabing pelikula ang pagiging anak ng award-winning actor na si John Arcilla.

“I play a gay character here. This is symbolized by the color fuchsia. Put the word ‘libre’ next to it and it will mean my character’s struggles to free his true self,” chika ni Paolo.

Sey pa niya, “It’s also a journey of a parent toward accepting what his son truly is.”

Ang “Fuchsia Libre” ay nakatakdang ipalabas ngayong taon under Mavx Productions.

Related Chika:

Read more...