SUPER grateful ang aktres na si Kris Bernal sa natatanggap na pagmamahal mula sa asawang si Perry Choi.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito ang collage photo nila together kalakip ng kanyang mensahe para sa kanyang hubby.
“So flawed yet still perfectly loved [pregnant and heart emojis]. I’ve always felt so lucky to be loved by you, and I’ve never felt more than blessed than I do now to be starting a family with you and our #LittleSunshine,” saad ni Kris.
Chika pa niya, aramo na silang pinagdaanang pagsubok at looking forward siya na makumpleto na ang kanilang pamilya sa pagdating ng kanilang baby girl.
Pagpapatuloy pa ni Kris, “We’ve gone through so many stages together as a couple, and our lives have been full of love and magical adventures, that it seems impossible to think that the best is yet to come!”
Labis naman ang pasasalamat ng aktres sa asawa sa walang sawang pag-aalaga nito sa kanya.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin pinuna ang ‘labis’ na pagbabahagi ni Kris Bernal sa social media: Gagawa kaya siya ng isang pelikula?
“Thank you for taking care of me throughout this pregnancy with so much grace and patience! Great husband, great dad! So excited to raise a mini you!!” sey pa ni Kris.
Marami naman sa mga followers ng aktres ang waiting nang makita ang kanilang magiging anak.
“Praying for your safe delivery Kris. Excited na akong makita ang little one niyo ni Perry. Love you @krisbernal,” saad ng isang netizen.
Comment naman ni Lovely Abella, “Excited kaming mameet si little sunshine mo Ga.”
“Mukhang nakaporma na si baby girl to come out. Mababa na ang belly mo. Praying for the both of you. Hoping for your safety delivery Kris,” sey naman ng isa.
Ngayong buwan nakatakdang manganak ang aktres base sa ibinahagi niyang update sa madlang netizens.
Related Chika:
Kris Bernal dinedma-dedma ni Aljur Abrenica; lumpiang togue ang pinaglilihian sa unang baby nila ni Perry Choi
Kris Bernal manganganak na sa Agosto, ready na nga bang maging mommy?