Cassy Legaspi pangarap na maging tulad ng inang si Carmina Villarroel: I’ll always be your baby girl

Cassy Legaspi pangarap na maging tulad ng inang si Carmina Villarroel: I'll always be your baby girl

IBINANDERA ng Kapuso star na si Cassy Legaspi kung gaano niya kamahal ang inang si Carmina Villarroel.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan kung saan makikitang masayang naglalakad ang dalawa habang hawak hawak ang mga paper bags mula sa pagsya-shopping.

“people ask me what kind of woman I want to be, I respond by saying ‘just like my mom’. Happy Birthday mama!” saad ni Cassy sa kanyang caption.

Pagpapatuloy pa niya, “Thank you for inspiring not only me, but other people as well to be kind and generous. I thank God everyday that [He] blessed me with the most patient, kind and perfect mom.”

Pinaalala pa ni Cassy kung gaano niya kamahal ang kanyang mommy.

“I love you so much mama! I will always be your baby girl no matter what,” sey pa ng dalaga.

Nag-reply naman si Carmina sa birthday post ni Cassy.

“Awwwww. You made me cry Baby girl. Thank you so much. i Love you So So much,” saad ng aktres.

Baka Bet Mo: Cassy Legaspi, Kyline Alcantara in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, anyare?

 

 

Nitong August 17, nag-celebrate ng ika-48th birthday si Carmina kasama ang asawang si Zoren at ang kambal na sina Cassy at Mavy.

Nagkaroon ng simpleng family dinner ang mag-anak upang i-celebrate ang birthday ng kanilang Mama Mina na ibinahagi rin niya sa kanyang Instagram account.

“About last night. Celebrated my birthday in advance with my family. Thank you LORD for allowing me to see another birthday,” pagbabahagi ni Carmina.

Marami namang mga Kapuso stars ang bumati sa aktres sa post ni Cassy gaya nina Shaira Diaz, Lovely Abella, Kimpoy Feliciano, Dasuri Choi, Cai Cortez, at marami pang iba.

“Ateeeee @mina_villarroel happy happy birthday. Godbless you more and more,” saad ni Lovely.

Comment ni Cai, “Happy happy birthday ate mens @mina_villarroel.”

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan ang tila pag-unfollow sa isa’t isa nina Cassy at Kyline sa Instagram.

Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang dalawa ukol rito.

Related Chika:
Darren Espanto nilinaw ang tunay na relasyon nila ni Cassy Legaspi: We’re not rushing into anything po talaga…

Carmina may ‘regrets’ din sa buhay: ‘Mas pinili ko ‘yung love kesa career… marami akong hindi nagawa because I chose my lovelife’

Read more...