Kristel Fulgar binanatan ng bashers matapos ilabas ang vlog sa fan meeting ni Seo In-guk, deserve raw ma-elbow bilang host?

Kristel Fulgar binanatan ng bashers matapos ilabas ang vlog sa fan meeting ni Seo In-guk, deserve raw ma-elbow bilang host?

NAGING diskusyon sa social media world ang paglalabas ng singer-actress na si Kristel Fulgar ukol sa tunay na rason kung bakit hindi siya natuloy sa pagho-host ng fan meeting ng Korean star na si Seo In-guk.

Base sa YouTube vlog ng dalaga na uploaded noong Martes, August 15, nakulangan daw ang Korean management ng energy sa kanya during rehearsal kaya nagdesisyon ang mga ito na i-contact ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Karen Bordabor bilang kapalit niya.

Kuwento ni Kristel, “Since, rehearsal ‘yun hindi ako sanay na ibigay ‘yung 100% energy ko, so, kung nakulangan sila sa energy dun the rehearsal. Sabi ko po, ‘I will do my best’. Nag-e-expect ako na ipapaakyat ulit ako sa stage para mapakita ko ‘yung 100% na sinasabi ko, pero hindi raw.

“Sinasabi nila gusto lang namin ng magiging event, hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan ‘yung sarili ko.”

Bago ang paglabas ng kanyang vlog ay maraming netizens ang nakisimpatya sa kanya lalo na’t alam ng mga ito kung gaano ka-faney ni Seo In-guk si Kristel.

May mga nagalit pa kay Karen Bordabor dahil tila “inagaw” raw nito ang moment ng dalaga na makasama sa stage ang kanyang iniidolo.

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar sa pagkakakansela ng hosting stint sa fan meeting ni Seo In Guk: Hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan ‘yung sarili ko

 


Ngunit matapos ang paglabas ng video ay maraming napataas ang kilay at tila naimbyerna kay Kristel.

Tila kasalanan rin naman daw pala ng dalaga kung bakit siya pinalitan dahil mukha siyang walang kagana-gana sa pagre-rehearse.

May mga nagsasabi pa na mas exposed so Kristel sa Korean culture at pumirma na rin ito ng kontrata doon kaya dapat aware ito kung gaano ka-strict ang mga Koreano pagdating sa events.

Maging ang theator actor na si Phi Palmos ay napa-react sa nangyari.

“‘Rehearsal pa lang, sa show ko na ibibigay.’ Akala nyo kinaganda nyo ‘yan? The rehearsal is as important as the show. Everything that you do in the show, you discover in rehearsals. So kung wala kang binigay sa rehearsals, wag kang mag-expect na may makukuha ka o aabot ka sa show,” saad nito.

Parehas ng ibang netizens ang sentimiyento ni Phi ukol sa nangyari kay Kristel.

Narito pa ang ilang komento mula sa mga netizens.

“Teh deserve naman palang maligwak ni Kristel Fulgar as host HAHAHAHAHA Kaloka energy niya sa “rehearsal”. Kahit sinong director maloloka pag ganitong energy dinala sa stage,” saad ng X user na si @iaminevitable03.

Comment naman ng isa, “Award! Haha bumenta kasi yung video nila before dahil sa pagiging fangirl nya. Kung hindi hosting ang forte nya sana bumawi nalang sa energy lalo na fan service at malaking factor ang personality dahil 3 hrs yung event na majority puro usap lang. Magmumukha tuloy TED talk kimi.”

“also, according to some staff members of that event, they had 3 rehearsals with Kristel and she really didn’t do well in all 3. she said that she wasn’t given a ‘second chance’ girl, you were given a second and third chance but you still didn’t deliver,” chika naman ng isa.

Samantala, wala namang pahayag ang aktres ukol rito.

Bukas ang Bandera para sa panig ni Krostel ukol rito.

Related Chika:
Kristel Fulgar ‘nagbago’ matapos manirahan sa South Korea: ‘It helped me to be the better version of myself’

Kristel Fulgar ibinandera ang unang TV guesting sa Korea: I just accepted this project just for fun

Read more...