‘Blue Beetle’ palabas na sa mga sinehan, Inka Magnaye ‘speechless’ nang marinig ang boses sa big screen

‘Blue Beetle’ palabas na sa mga sinehan, Inka Magnaye ‘speechless’ nang marinig ang boses sa big screen

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

SWAK na swak na pampamilya ang bagong superhero film ng DC Comics – ang “Blue Beetle.”

Bukod kasi sa maaaksyong mga eksena, ibinida rin sa pelikula ang kahalagahan ng matibay na relasyon at pagmamahal ng isang pamilya.

Ipinakita sa bagong DC film na bukod sa isang tao ay pwede ring maging bayani ang isang buong pamilya, lalo na kung nasa kapahamakan ang kanilang mahal sa buhay.

Upang masaksihan ang iba pang mga kaganapan sa nasabing pelikula, pwede niyo na mapanood ang “Blue Beetle” sa mga lokal na sinehan.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ang “Blue Beetle” ang kauna-unahang Latino superhero na pinagbibidahan ng aktor na si Xolo Maridueña.

Sa inilabas na trailer ng Warner Bros. Pictures, mapapanood na ginagampanan ni Xolo ang alter ego bilang si Jaime Reyes, ang college graduate na naging superhero matapos makatanggap ng isang food container na naglalaman ng ancient relic na “Scarab.”

Baka Bet Mo: Inka Magnaye tampok ang boses sa DC film na ‘Blue Beetle’: It’s been one of my big dreams!

At speaking of Scarab, alam niyo ba na ang content creator na si Inka Magnaye ang napiling bumoses nito para sa Philippine release?

Para kay Inka, isa itong dream come true dahil natupad na ang kanyang pangarap na maging parte ng superhero world.

Sa kanyang latest Facebook post, inamin ng content creator na “speechless” siya nang marinig ang kanyang boses sa big screen.

“The emotions going through me when I heard my voice on the big screen last night left me speechless. Me! In a DC movie!! And my whole family was there!!” caption niya sa post.

Pagbubunyag pa niya, “And some lines were in Filipino! [Philippine flag emoji]”

Dagdag niya, “My voice aside, the movie was SO MUCH FUN. It was cool, exciting, kinda retro (felt some ‘93 nostalgia), hella funny, and highly relatable especially to a Filipino audience!!”

Related Chika:

Read more...