Singer-songwriter Gari Escobar may ginawang kanta na pwede sa kasal nina Dominic at Bea; super crush sina Kim at Bela

Singer-songwriter Gari Escobar may ginawang kanta na pwede sa kasal nina Bea at Dominic; super crush sina Bela at Kim

Gari Escobar, Bea Alonzo at Dominic Roque

ITINUON sa pagnenegosyo at pagsusulat ng kanta ang mga naging kabiguan sa pag-ibig ng singer at songwriter na si Gari Escobar.

Sa panayam namin kay Gari kamakailan ay may mga naging kasintahan siya pero nauwi lahat sa hiwalayan pero ang maganda ay naging kaibigan niya ang karamihan na ngayon ay may kanya-kanya ng mga pamilya.

At ang rason kaya siya nahihiwalay, “Yung iba kasi paasa. Akala ko gusto nila ako. May times pa na sinasabihan ka ng ‘I love you’ pero pag nandoon na medyo umaatras na. Kaya ‘yung isang kanta ko rito (bagong album) ang pamagat ‘Bakit Hindi Puwede’, istorya ‘yun ng nagpapa-asa.”

Sa kasalukuyan ay nananatiling single si Gari at hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay makikilala niya ang babaeng magmamahal sa kanya ng tapat.


At bilang wala pang asawa ay inamin ng mang-aawit na marami siyang crush sa showbiz tulad ni Bela Padilla dahil bukod sa maganda, matalino ay magaling pang umarte.

“Gusto ko rin si Bea Alonzo na engaged na (kay Dominic Roque),” sambit ni Gari.

At kung mabibigyan siya ng chance na kumanta sa kasal ng dalawa ay alay niya ang awiting “Tanging Ikaw.” Nai-share ni Gari na noong brokenhearted at na-ghost si Bea ay sobrang nalungkot siya.

Type rin ng negosyanteng mang-aawit si Kim Chiu dahil sa pagiging bubbly nito at mahusay sa hosting.

At siyempre gusto rin ni Gari ang sexy tulad ni Ivana Alawi pero ang gusto niya ay maka-collab ang dalaga bilang leading lady sa music video na “Ikaw Lang” mula sa ikalawang album.

Nagbiro pa nga ang singer na napanaginipan niya si Ivana.

Pinakinggan namin ang mga awitin ni Gari na nasa YouTube channel ng Ivory Music na distributor ng album niya at puwedeng gawing soundtrack ng mga serye at pelikula

Baka Bet Mo: Neri Miranda kinilabutan sa paggawa ng kanta ni Moira at Ogie: Mga henyo!

Ang ilan sa mga awiting napakinggan namin ay ang “Baguio”, “Lumaban Ka”, “Dito sa Piling Ko”, “Hanap Ko Pa Rin”, “Ayaw Kong Makita Ka”, “Isang Halik Pa” at iba pa.

Magaganda ang lyrics ng mga awitin ni Gari dahil ibinase niya ito sa personal niyang karanasan sa buhay at nagustuhan namin ang awiting Baguio na tila dito niya nakilala ang isa sa naka-relasyon niya na lagi niyang binabalik-balikan.


Isa pang binanggit ni Gari na personal niyang gusto ay ang “Sayaw sa Ulan” na sabi namin ay puwede ring maging soundtrack ng serye o pelikula. Ano ang kuwento ng “Sayaw sa Ulan”?

“Ano kasi ako, private na tao, minsan kapag na-hurt sinasarili ko lang hindi ako vocal lalo na kapag depress ako, e, mahilig ako sa ulan.  Kadalasan habang umuulan minsan may mga barkadang dumadaan hindi nila alam na umiiyak na ako,” kuwento ni Gari.

Samantala, diretso naming tinanong ang mang-aawit kung aware siya na ang henerasyon niya ay malayo na sa usong genre ngayon dahil panahon ito ng Gen Z.

“Yes (aware naman) kaya nga ako nag-switch (may danceable song). Bilang baguhan at sa industriyang ito bata pa ako (bago pa), so, hindi ko pa alam kung saan ako (malilinya). Hindi ko alam kung ano ang dating sa listeners ang song ko,” paliwanag ni Gari.

Aminadong late na siyang pasukin ang music industry dahil ngayon lang daw siya nagkaroon ng lakas ng loob dahil sobrang mahiyain siya.

“Bata pa ako sumasali na ako sa singing contest tapos laging talo kasi (walang self confidence). Imagine kumakanta ako nakatingin lang ako sa ulap. Pero I love to sing talaga.

“Pero ngayon mayroon na.  Hindi ko naman nakikita ang sarili ko na nakikipag-compete ako kasi hindi ako ‘yung pangbirit. Iba ‘yung aking category,” kuwento ni Gari.

Ang mga nakaimpluwensiya kay Gari sa musika habang lumalaki siya ay sina Basil Valdez, Rey Valera, Neil Young, Michael Jackson, Bruno Mars. At sa mga medyo batang singers ay sina Sarah Geronimo at Morisette Amon.

“Balang araw gusto ko silang makasama (sa show). Si Erik Santos din ang galing at SB19. Na-inspire ako sa kanila lalo na ang SB19, actually, dapat sinusuportahan natin sila di baa ng sarap makita na ‘yung mga Pilipino nagsa-shine globally, gusto ko ‘yun,” sabi pa ni Gari.

Anyway, available ang mga awitin ni Gari sa first album sa online platforms tulad ng YouTube, Spotify at iba pa. Malapit na ring i-launch ang second album niya na may 10 songs na siya rin mismo ang sumulat.

Ivana Alawi, Bela Padilla type maka-collab ng novelty singer na si Gari Escobar; na-motivate nang bongga matapos mabiktima ng pambu-bully

Skusta Clee malalim ang hugot sa ‘Kumpisal’ nila ni Gloc-9: Dito na ako hihingi ng tawad…

Read more...