Summa cum laude sa UP na si Val Llamelo nilinaw na walang konek kay Tito Sen ang viral answer sa E.A.T.; idol na idol sina Vice at Marian

Summa cum laude sa UP na si Val Llamelo nilinaw na walang konek kay Tito Sen ang viral answer sa E.A.T.; idol na idol sina Vice at Marian

Val Llamelo

WALANG pinatatamaang politiko o kahit sinumang personalidad ang isa sa mga naging choices sa “Babala! Wag Kayong Ganuuun” segment ng “E.A.T.” last Saturday, August 12.

May mga netizens kasing nag-comment na mukhang ang dating senador daw na si Tito Sotto ang pinatatamaan ni Val Llamelo sa naging pahayag niya sa naturang programa nang interbyuhin nina Ryan Agoncillo, Allan K, Miles Ocampo at Paolo Ballesteros.

Natanong kasi si Val na isang summa cum laude at NCPAG class valedictorian ng UP Diliman, kung ano nga bang balak niyang gawin matapos maka-graduate.

“Kasi Public Administration ‘yung course eh. Are you gonna go into politics?” tanong ni Ryan. Ang sagot ni Val, “Parang gusto ko na lang mag-artista. Tapos pag sumikat ako, tumakbo ako sa politics.” At dahil nga rito ay nag-trending ang guesting niya sa show ng TVJ.


Kasunod nito ang mga nakakalokang comments ng ilang netizens na nagsabing si Tito Sen daw ang kanyang pinariringgan sa kanyang naging statement.

Sa panayam ng BANDERA sa super achiever na si Val, diretsahan namin siyang tinanong kung ano ang reaction niya sa mga sinasabi ng netizens na tila pinatutsadahan niya si Tito Sen.

“To be completely honest, my answer to Sir Ryan Agoncillo’s question is genuine. If someone asked me to run for office, I’d probably make a name first in showbiz or social media (like vlogging, tiktok, etc.).

“Dahil, in reality and practically speaking, ito ang nangyayari sa Philippine politics these days.

Baka Bet Mo: TVJ, iba pang legit Dabarkads nagkaiyakan sa unang pasabog ng bagong show sa TV5, ‘E.A.T.’ na ang gagamiting titulo

“Hindi naman po ako kilalang tao, hindi po kami ganoon kayaman, wala kaming makinarya, so kung tatakbo agad gaya ng ibang mga tumakbo na may  magagandang educational backgrounds, like nakapag-aral sa ibang bansa, may honors, etc. pero hindi naman ‘sikat’ or ‘kilala’, matatalo lang,” ang pahayag ni Val.

Pagpapatuloy pa niya, “However, I do not intend to malign any particular ‘celebrity-turned-politicians.’ I’m simply describing what I observe in our current political landscape, as well as the common political strategies or tactics used by candidates.

“Kung gustong manalo, dapat sikat ka na. Hindi na sapat ngayon na may maganda at malinis kang track record. We all know that,” ang diretsahan pang sagot ng bagong graduate.

Natanong din namin si Val kung kumusta naman ang guesting niya sa “E.A.T.”, “Right after I was interviewed by the hosts, pinaupo po ako sa gilid and nandoon si Tito Sen nakaupo and nakipag-usap and nakipagtawanan naman po siya sa akin.

“Masaya naman po overall and mababait naman sila (mga host and staff). They even gave us rooms and food sa aming mga guests. They are all very accommodating,” kuwento pa niya sa BANDERA.

Anu-ano naman ang mga plano niya after ng graduation? Seryoso ba yung dream niya na mag-showbiz din? “I have been running a business since 2020, which has been my source of income. That is why I am the breadwinner of my family.


“I plan to expand it after graduation. It’s my top priority. But showbiz plans, if there would be offers, why not? Prior to my appearance in E.A.T., I already have plans to enter the TikTok scene ‘cause I think I have a gift in public speaking, writing, and making people laugh. I did some hosting gigs also in school and other events as well,” chika ni Val.

Dagdag pa niya, “Tsaka po mag-work din sa government since may mga offer po akong nari-receive, then magpu-pursue ako ng masteral next year or baka mag-law school po ako. I’m still contemplating about it.”

Sunod na question namin sa kanya, “Sinu-sino ang mga favorite celebrities  mo na gusto mong makatrabaho kung sakaling nasa showbiz ka na?

“Just like what I said, I am into hosting and comedy kaya I look up to Meme Vice Ganda. I want to work with her and learn from her, especially in the areas of hosting and comedy.

“Si Ms. Eugene Domingo and Ms. Dolly de Leon, na mga galing din sa UP. Pagdating naman sa drama, idol ko po si Ms. Marian Rivera,” sey pa ni Val.

Summa cum laude, class valedictorian sa UP umeksena sa E.A.T.: ‘Parang gusto ko na lang mag-artista tapos pag sumikat ako, tatakbo ako sa politics’

Joey may banat sa selebrasyon ng 44th anniversary ng ‘Eat Bulaga’ sa GMA: ‘Kami ang legit yung mga peke baligtarin n’yo yung legit…tigel na kayo’

Read more...