ISA ang aktres na si Arci Muñoz sa mga official judging panel ng Miss Universe Bahrain 2023.
Ito ay ibinandera ng Miss Universe Bahrain organization sa kanilang Instagram page noong Lunes, August 14.
“Meet the Official Jury of Miss Universe Bahrain 2023. It’s our honor to present one of the most sought-after and highly respected actresses in Asian film and TV industry—the superbly talented and incredibly stunning—@ramonathornes,” saad sa post kalakip ang artcard na may larawan ni Arci.
Reply naman ng aktres sa post, “Thank you soo much for having me. This is such a dream!”
Super happy naman ni Josh Yugen ng Yugen Group of Companies na siyang namumuni o ng MUB organization na maging bahagi si Arci sa official jury.
Puro mga Pilipino rin ang team ni Josh at kasama niya sina Miss International 2016 Kylie Verzosa bilang head of empowerment, Raymond Gutierrez bilang fashion director, Joey Abacan bilang senior executive consultant, at si Brillante Mendoza bilang artistic director.
Ibinandera rin ni Arci ang magandang balita sa kanyang Instagram page.
“Keep your dreams alive. Understand to achieve anything requires faith and belief in yourself, vision, hard work, determination, and dedication. Remember all things are possible for those who believe,” saad ng aktres.
Marami naman sa mga supporters ni Arci ang ang super happy sa bagong milestone ng dalaga.
“Congrats lods!” saad ng isang netizen.
Pabirong comment naman ng isa, “You picked a good one! Smart, funny, talented and beautiful! Pahirapan mo ng tanong, Arci! Sana math ganyan.”
Sey naman ng isa, “You picked the right choice. Congratulations my love @ramonathornes and goodluck.”
Bukod kay Arci, isa rin sa mga official jury si Bailey May.
Related Chika:
Arci Muñoz nakatanggap ng rekognisyon mula sa Philippine Air Force, inialay ang award sa mga kababaihan
Arci Muñoz dinenay na dyowa niya ang pamangkin ni Jinkee Pacquiao na si Seth Jamora