Arci Muñoz nakatanggap ng rekognisyon mula sa Philippine Air Force, inialay ang award sa mga kababaihan | Bandera

Arci Muñoz nakatanggap ng rekognisyon mula sa Philippine Air Force, inialay ang award sa mga kababaihan

Ervin Santiago |October 06,2021
facebook
share this

Arci Muñoz nakatanggap ng rekognisyon mula sa Philippine Air Force, inialay ang award sa mga kababaihan

Ervin Santiago - October 06, 2021 - 12:28 PM

Arci Muñoz

NAKATANGGAP ng special award ang Kapamilya actress na si Arci Muñoz mula sa Philippine Air Force.

Isa ang dalaga sa mga bagong sarhento ng PAF Reserve Command matapos makumpleto ang Basic Citizen Military Training noong nakaraang taon.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Arci ang litrato na kuha sa naganap na Special Recognition Award kasabay ng pagpapasalamat niya sa pamunuan ng PAF.

Aniya sa caption, “THERE IS NO LIMIT TO WHAT WE, AS WOMEN, CAN ACCOMPLISH. 

“To the Philippine Air Force, thank you so much for this recognition. Truly I am blessed and it is an Honor to serve,” mensahe ng Kapamilya star.

Base sa nasabing litrato, iginawad kay Arci o Ramona Cecilia Muñoz sa tunay na buhay, ang nasabing parangal noong Sept. 30, nang ipagdiwang ng Armed Forces of the Philippines ang PAF Reservists’ Recognition Day.
Ayon sa PAF, ibinigay kay Arci ang nasabing award dahil sa kanyang, “active participation in the different PAF relief operations and during the conduct of fundraising activity dubbed as ‘PAF Musicale.'” 

Bukod dito, nakasaad din sa plakeng ibinigay sa aktres kinikilala rin ng pamumuan ng AFP ang kanyang effort, “for strategically advocating PAF Reservists Program that created a positive impact in our society which immensely contributed on the overall mission accomplishment of the Philippine Air Force.”

Kung matatandaan, nakilahok din ang dalaga noong December, 2020, sa relief mission ng PAF para sa mga pamilyang naapektuhan ng mga bagyong Rolly at Ulysses sa Catanduanes.

Unang ibinalita ng dalaga na na-enlist siya bilang reservist ng PAF noong June, 2020. Kasunod nito, hinikayat din niya ang mga kababaihan na mag-join sa Philippine military reserve force. 

“Marami pong salamat sa aking Philippine Air Force family. Asahan nyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo,” mensahe pa ni Arci.

Bukod sa aktres, ang iba pang kilalang celebrities na mga PAF reservist din ay sina JM de Guzman at Ejay Falcon na ginawaran din ng special award noong September.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, kamakailan lamang ay nabalita na tatakbo ang aktres bilang councilor sa Cainta, Rizal sa  darating na 2022 elections. Nasa listahan siya ng slate ng PBA legend na si Alvin Patrimonio na kakandidato namang mayor sa Cainta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending