ANNE seryoso na sa pagnenegosyo, naghahanda nang mag-asawa at magkaanak | Bandera

ANNE seryoso na sa pagnenegosyo, naghahanda nang mag-asawa at magkaanak

Julie Bonifacio - October 21, 2013 - 03:00 AM

Puspusan na ang pakikipag-meeting ni Anne Curtis para sa big concert niya sa January. Marami na raw naisip na concept for the show and it’s something to look forward to sabi ni Anne.

“Kinakabahan talaga ako sa next concert ko. Rehearsal pa lang daw sabi ni Teacher Jorcel (G Force head) iiyak raw talaga ako,” lahad ni Anne.

Tinanong namin si Anne kung magkakaroon ba ng special participation ang boyfriend niya na si Erwan Heusaff sa concert niya, “Parang hindi, e. Pero he will be there.

Maganda ang boses niya. Pero feeling ko kahit kumbinsihin ko siya,  mangangatog siya sa ganoon kalaking venue,” natatawang sabi ni Anne.

Ibinalita naman ni Anne na nagbukas na ang bagong resto ni Erwan sa The Fort, ang Ninerichinana na ang ibig sabihin daw ay nine, one and seven.

Bukod diyan may isa pang resto bar si Erwan, ang Hatch22 sa Rockwell naman. Hindi raw siya kasosyo in any of Erwan’s resto.
Dahil kay Erwan na-inspire din si Anne na magtayo ng sarili niyang restaurant.

Tingin namin meron na at malapit na rin itong buksan. Kasi sabi ni Anne abangan na lang daw namin kung magkakaroon siya ng sarili niyang resto.

Baka naghahanda na rin sila ni Erwan sa kanilang future kaya seryoso sila sa pagnenegosyo. Why not, nasa tamang edad na sila at pwedeng-pwede nang magkaanak, di ba?

On the other hand, masayang ibinalita ni Anne na malapit na malapit nang matapos ang renovation ng kanyang condo sa Makati.

Bedroom na lang daw niya ang aayusin, “Wala naman akong target kung kailan kailangan matapos ang renovation. As it comes lang.

Slowly kasi gusto ko kapag natapos na siya hindi mo minadali. Tsaka my ideas is keep on changing, e.” Kapag 30 na raw siya saka siya kukuha ng malaking condo and then, she’ll aim for a big house gaya ni Kris Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Actually, may bahay na si Anne sa Parañaque. Sad to say, wala raw nakatira dito dahil nalalayuan siya. Ang kapatid naman niyang si Jasmine Curtis ay kasama niyang nakatira sa condo.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending