Khalil Ramos sa tanong kung pakakasalan niya si Gabbi Garcia: ‘100 million percent, yes! No double thinking!’

Khalil Ramos sa tanong kung pakakasalan niya si Gabbi Garcia: '100 million percent, yes! No double thinking!'

Gabbi Garcia at Khalil Ramos

SIGURADUNG-SIGURADO na ang Kapuso actor-singer na si Khalil Ramos na ang babaeng pakakasalan na niya ay ang kanyang long-time girlfriend na si Gabbi Garcia.

Muling ibinandera ng binata sa buong universe ang kanyang pagmamahal kay Gabbi kasabay ng pagsasabing umaasa at palagi nilang ipinagdarasal na sana’y sa kasalan din mauwi ang kanilang relasyon.

Sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda, diretsahang sinabi ni Khalil na handa siyang pakasalan ang dyowang Kapuso actress at model. Mahigit anim na taon rin daw tumatakbo ang kanilang love story.


Dirersahang tanong ni Tito Boy kay Khalil, “Pakakasalan mo si Gabbi?”

“A hundred million percent, yes! No double thinking,” ang mabilis na tugon ng binata.

Sey ni Khalil, isa sa mga pangarap talaga nila ni Gabbi ay ang mag-settle down sa tamang panahon at eventually ay bumuo ng sarili nilang pamilya.

“Realistically kasi when we really started our relationship, we really intended for the relationship to last.

Baka Bet Mo: Payo ng tatay ni Gabbi Garcia sa pakikipagrelasyon: Huwag na huwag mong kalilimutan kung sino ka

“We are the type of people who date to marry also. Actually, early on we would talk about the intent and the purpose of our relationship. We were really in it for the long run,” pahayag pa ng aktor.

Nabanggit din ni Khalil na napag-uusapan na rin nila ni Gabbi ang pagpapakasal, ngunit feeling niya ay hindi pa ito mangyayari very, very soon.


“Napag-uusapan namin ngayon, especially now six or seven years down the line we’re not getting any younger and eventually, we do, we really need to settle down so yeah, we talk about it but there is I guess for us the best timing,” sey pa ni Khalil.

Sa isang panayam naman ay nagpayo ang aktor sa mga tulad nilang magdyowa upang mabalanse ang lovelife at career at para magtagal din ang iniingatang relasyon.

“As a piece of advice especially to those that are starting. In my case we really made it a point when we started dating we asked each other, ‘What’s the purpose? What are we going to do here?’

“‘Are we just doing this for a good time or do we do this because we want to do things together for fun or are we actually looking for a life partner?’ and with that decision comes all responsibilities,” sey pa ng aktor.

Ken Chan ‘pakakasalan’ si Rita Daniela: Napakaswerte ng magiging asawa niya!

Gabbi ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

Read more...