Claudine sa 3 beses na pag-adopt ng bata: ‘I think I have so much love to give and I wanted to share it’

Claudine sa 3 beses na pag-adopt ng bata: 'I think I have so much love to give and I wanted to share it'

Claudine Barretto at ang apat na anak na sina Sabina, Santino, Quia at Noah

TATLO na ngayon ang adoptive children ng aktres at celebrity mom na si Claudine Barretto.

Bukod nga kay Sabina Santiago, ang dalawa pang bata na itinuturing din niyang mga “angel” sa kanyang buhay ay sina Quia at Noah.

Ayon sa aktres, nagdesisyon siyang mag-ampon dahil feeling niya, nag-uumapaw pa rin ang pagmamahal sa kanyang puso, sa kabila ng mga nangyari sa kanila ng ex-husband na si Raymart Santiago.

“I think I have so much love to give. Kumbaga my cup was overflowing pa rin ng love and I wanted to share it,” she remarked,” ang pahayag ni Claudine sa panayam sa kanya ng broadcast journalist na si Karen Davila.


Pagpapatuloy ni Claudine, “Also I believe there’s no difference ‘yung love ko kay Santino (biological child nila ni Raymart), kay Sabina, kina Noah, and Quia. They are all the same.”

Katwiran pa ng aktres, “If you can love your husband who’s not your own blood, how can you not also love these children unconditionally?”

Naniniwala rin si Claudine na destiny ang pagiging adoptive parent at itinuturing din niya itong napakaganda at napakalaking blessing mula sa Panginoong Diyos.

“Ako I always say it’s meant to be, we were meant to be. Di ba parang God has a blueprint sa life mo and kasama don sa blueprint si Sabina.

Baka Bet Mo: Claudine nagbabu sa showbiz noon para sa mga anak: Ayokong ma-feel nila na wala na silang tatay, wala pa silang nanay

“When I held her in my arms, I can’t explain it parang this is mine, this is for me. I’m gonna keep you safe.

“The moment I held her, I swore that I would do everything in my power to make her happy and to give her a good life,” pagbabahagi pa ni Claudine.

Kuwento pa niya, nu’ng malaki na sina  Sabina at Santino, dumating sa buhay nila si Quia, hanggang sa isa pang “anghel” ang ibinigay sa kanya ng tadhana, si Noah.


“They really wanted the sibling (Sabina at Santino), that’s one of their prayers talaga and of course di na pwede kasi wala na kami ni Raymart nu’n when they wanted a sibling.

“Parang I told them sige let us pray if in two weeks we don’t get a call or whatever that means it is not for us kasi we visited orphanages eh kasi I used to do social work for DSWD.

“Of course, you don’t usually get calls na ‘There’s someone here you can adopt.’ But magtu-two weeks, we got a call, and I was like talaga this is really for us,” pag-alala pa ni Claudine.

Tungkol naman kay Noah, sinabi sa kanya ng mga anak na gusto raw uli nilang magkaroon ng kapatid, but this time type naman nila ang baby brother.

Tatlong buwan daw ang hinintay nipa bago dumating si Noah sa kanilang pamilya, “Noah’s like my angel. He is like with me 24/7, sobrang lambing. Mama’s boy talaga siya.”

Wala namang nabanggit si Claudine kung may balak pa siyang mag-adopt uli pero knowing her, hangga’t kaya niya ay patuloy siyang magbabahagi ng pagmamahal sa mga batang nangangailangan ng kalinga at pagmamahal.

Angeline Quinto umaming nawalan nang gana sa pagkanta: Noong mamaalam ang Mama, ayoko na

Claudine nagbabu sa showbiz noon para sa mga anak: Ayokong ma-feel nila na wala na silang tatay, wala pa silang nanay

Read more...