Cassy Legaspi, Kyline Alcantara in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, anyare?

Cassy Legaspi, Kyline Alcantara in-unfollow ang isa't isa sa Instagram, anyare?

USAP-USAPAN ngayon sa social media kung may tampuhan nga ba ang dalawang Kapuso stars na sina Cassy Legaspi at Kyline Alcantara.

Marami kasi ang nagulat nang kumalat ang chikang nag-unfollow sa isa’t isa ang dalawa sa Instagram.

Para sa mga hindi aware, si Kyline ay ang rumored girlfriend ni Mavy Legaspi na siyang twin brother ni Cassy.

Ayon sa ibang netizens, imposible namang hindi talaga nila pina-follow ang isa’t isa noon pa man dahil ilang beses na ring nagsama ang dalawa sa mga lakad at present rin si Kyline sa nagdaang birthday celebration ng kambal.

Bukod pa rito, tinawag rin ni Cassy noong 2021 na “sis in law” si Kyline nang batiin niya ito sa kanyang kaarawan.

 

Baka Bet Mo: Mavy, Cassy kanya-kanyang paandar sa ika-21 kaarawan; Darren, Kyline pasabog ang b-day message sa kambal

Kaya naman curious ang mga netizens kung nag-away nga ba nang malala ang dalawa para humantong sila sa pag-a-unfollow sa Instagram.

May isang netizen ang naghihinala na baka kaya may hindi pagkakaintindihan sina Cassy at Kyline dahil close raw ang huli sa rumored ex-boyfriend ng kambal ni Mavy.

Nang i-check namin ay nagpa-followan pa rin naman sina Kyline at Mavy.

Maging ang rumored dyowa ni Cassy na si Darren Espanto ay naka-follow pa rin kay Kyline.

Samantala, wala pa namang pahayag ang dalawang Kapuso stars hinggil sa isyung kinakharap nila.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag nina Cassy at Kyline hinggil sa isyu.

Related Chika:
Cassy napa-‘OMG!’ sa litrato nina Mavy at Kyline

Carmina boto ba kina Darren at Kyline para kina Cassy at Mavy?

Read more...