Noon pa niya pinapangarap ang makasama si Charo sa isang acting project kaya naman ipinararating niya ngayon sa universe ang isa sa kanyang ultimate dream bilang artista.
“Gusto kong makatrabaho si Ma’am Charo. Kasi dati nu’ng nakatrabaho ko siya ng bata pa ako parang in-interview ko siya habang nagte-taping siya ng ‘Maalaala Mo Kaya‘ yung Jolinang Payong Kaibigan ng ‘Ang TV.’
“Nag-interview-interview ako roon kunwari. Pero ‘yung talagang sabihin mo na isang drama na kung alam mo kung ano ‘yung forte din ni Ma’am Charo,” pahayag ni Jolens sa “Celebrity Conversations” ng star Magic.
“Gusto ko siyang maka-work kasi alam ko na habang hindi kami nagte-take ay maraming-marami akong matututunan, marami akong mao-observe sa kanya kung anuman ang narating niya with grace,” dagdag pa niya.
Sa mahigit tatlong dekada ni Jolina sa entertainment industry ay marami pa siyang gustong gawing projects. Meron din siyang mga naiisip na dream roles na sana’y mabigyan ng katuparan.
“Marami pa akong hindi nagawa. ‘Yung mga piping saksi. Kasi sabihin natin ‘yung mga gusto kong roles sana ‘yung pa-suspense, pa-thriller at ‘yung hindi mo aakalain na siya ‘yung masama, ‘yung ganu’n, gusto ko magkontrabida.
“Kasi sa liit kong ito, sino ba ang makakasampal sa mga matatangkad, ‘di ba? After nu’ng soap opera na ginawa ko nu’ng bumalik ako sa ABS-CBN ay parang napunta na ako ng hosting.
“If ever lang magkaroon ng project na hindi naman hosting, gusto ko ‘yung mga ganu’n,” lahad pa ng Kapamilya actress.
Pagbabahagi pa ni Jolens, “Mga awards ang ultimate goal ng mga artista. Pero sa akin magkaroon man ng mga awards o kung hindi na, ang gusto ko lang ay ‘yung legacy ko ay maganda ang tingin nila.
“Ito natutunan ko rin ito kay Tito Martin Nievera maging grateful ka rin sa mga bago ngayon. At huwag mong sisirain ‘yung relationship mo sa kanila o maging friends din kayo kasi sila rin ang magtutuloy sa legacy mo.
“Kasi kung naging maayos ka, tapos nakanta ulit ang mga kanta mo sa TV, na-remake ang movie, ikaw rin ‘yon. So kung naging maayos ka sa trabaho mo I think magtutuluy-tuloy ‘yung legacy mo.
“At hindi ka lang basta naging maayos sa trabaho mo, dapat naging maayos ka sa pakikisama dito sa industriya,” chika pa ni Jolens sa nasabing panayam.