Kristine ipinagmalaki ang pagiging talentado ng anak nila ni Oyo na si Ondrea Bliss, papasukin na rin ba ang showbiz?

Kristine ipinagmalaki ang pagiging talentado ng anak nila ni Oyo na si Ondrea Bliss, papasukin na rin ba ang showbiz?

Kristine Hermosa at Ondrea Bliss Sotto

MUKHANG anytime now ay papasukin na rin ng anak nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na si Ondrea Bliss ang mundo ng showbiz.

Proud mommy si Kristine kay Ondrea nang mag-post ito sa kanyang Instagram account ng isang video kung saan ibinandera niya ang pagiging talentado ng anak.

Mapapanood sa IG reel ng aktres si Ondrea na kinakanta ang 2006 hit song ni Corinne Bailey Rae na “Girl, Put Your Records On.”


Ang nasabing post ay nagmula sa Riccio Music & Artistry Studio Academy, isang community of passionate musicians and educators.

Ang nakasulat sa caption ng video ni Ondrea ay, “God has blessed you with a beautiful voice & He is using you to inspire others with your hard work, determination, and passion for excellence.

“May you continue to share your talent and bring joy to those who get to hear you sing…

Baka Bet Mo: Kristine, Oyo namamalo ng mga anak; bawal na bawal din ang gadgets at TV

“We’ve had the most fun recording you at the studio and we can’t wait to hear your continuous progress in the next few months!

“Exciting times head!” ang buong pahayag ni Kristine.


Sandamakmak na netizens ang pumuri kay Ondrea dahil sa galing nitong mag-perform, kabilang na riyan ang mga celebrity friends nina Kristine at Oyo.

Marami ang nagsabi na pwedeng-pwede nang pasukin ni Ondrea ang music industry kaya hinikayat nila sina Tin at Oyo na sana’y karirin na ng kanilang anak ang pagiging singer.

“AMAZING!!!!” ang comment ni Pauleen Luna.

Hey ng kapatid ni Kristine na si Kathleen, “ATE!!!!!!! Mana ka sa akin!!!”

“Inaanak ko yaaaaaaaaaan!!! good job Dre!!!! I love you!!!” sabi ni Ciara Sotto.

“Sooooo goooood!!!!!” comment ni Iza Calzado.

“Wow! Galing naman!” mensahe naman ni Ara Mina.

Sa comments section, super thankful naman si Kristine sa lahat ng nagbigay ng magagandang mensahe kay Ondrea, “Thank you all for the beautiful words and praises.. nakakataba ng puso.. ALL GLORY TO THE LORD!”

Read more...