Andrea Brillantes may patutsada sa mga taong ‘banal na aso, santong kabayo’; may konek pa rin ba kay Ricci Rivero?
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Andrea Brillantes
PALAISIPAN sa mga fans at netizens ang ibinanderang quote ni Andrea Brillantes sa kanyang social media account na may konek sa mga taong plastic at mapagkunwari.
Sino nga kaya ang pinatatamaan ng Kapamilya actress sa ibinahagi niyang quote tungkol sa mga taong “basura” ang turing sa ibang tao pero sinasabing sila’y “maka-Diyos”.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, nag-post si Andrea ng litrato ng isang white board na may nakasulat na, “You cannot treat people like garbage and worship God at the same time.”
Hindi naman tinukoy ng dalaga kung sino ang pinariringgan niya sa nasabing quote pero ang sey ng kanyang mga IG followers, siguradong marami ang tinamaan dito lalo na yung mga taong akala mo’y walang bahid-dungis ngunit makasalanan din pala.
May ilan namang nagbanggit sa pangalan ni Ricci Rivero na naniniwalang ang basketball player-actor ang umano’y pinatatamaan ni Andrea.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa mga netizens.
Inilabas na ni Khimo Gumatay ang music video para sa kanyang debut single na “Nasunog” na nagtatampok sa Kapamilya actor na si Enchong Dee.
Ayon sa “Idol Philippines” season 2 grand winner na si Khimo, isang love story sa makabagong panahon ang mapapanood sa video na mala-short film na mula sa direksyon ni Kashka Gaddi.
“Noong kino-conceptualize namin yung narrative ng short film, Direk Kashka and the entire team concluded na gawing futuristic yung setting pero love story.
“This is the first time na mag incorporate ng computer-generated imagery ang Star Music sa isang music video kaya I’m grateful na naging part ako ng project na ‘to,” kwento niya.
Ginagampanan ni Enchong ang papel ni Kim, isang waiter na mahuhulog ang loob kay Ava, isang bagong pasok na robot bartender.
Haharap ang kanilang samahan sa pagsubok partikular na ang mandate na sirain ang mga robot dahil sa tendency nilang maging masama.
Pinuri ni Direk Kashka ang performance ni Enchong sa music video. Sabi niya, “Through his remarkable performance, the music video transcended its narrative.”
Ikinuwento rin ng direktor na nadiskubre niya ang galing ni Khimo bilang storyteller habang ginagawa nila ang music video. Aniya, “Meeting Khimo was such an experience. Talking to him made me realize that he was not just a singer, but an artist with a profound gift for storytelling.”
“‘Nasunog’ became an anthem of heartbreak, a poignant reminder that even in pain, there exists profound beauty in vulnerability,” dagdag pa niya.
Mula sa produksyon ng Star Music at Inside Job Studios ang “Nasunog” music video. Panoorin ang kwentong pag-ibig nina Kim at Ava sa “Nasunog” MV na available na ngayon sa Star Music YouTube channel.