Pati kami ay napabilib at napa-wow sa artwork na ginawa nina Alain Mamangun at Mike Apolo kung saan makikita ang sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis at iba pa nilang kasamahan sa nabanggit na Kapamilya noontime show, na nag-transform bilang mga karakter sa Marvel universe.
Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng singer-TV host na si Jugs Jugueta ang digital edits ng mga sikat na karakter sa “Avengers” at in fairness, talaga namang mamamangha ka sa kinalabasan ng editing.
Pak na pak si Vice Ganda bilang si Emma Frost, habang bagay na bagay naman kay Anne ang karakter ni Black Widow. Nag-transform naman sina Karylle at Kim Chiu bilang sina Scarlet Witch at Captain Marvel, respectively.
Perfect naman si Tyang Amy Perez bilang si Peggy Carter, at si Jackie Gonzaga naman as Gamora. Nakasama rin sa grupo si Cianne Dominguez bilang si She Hulk.
Ang mga stand-up comedian namang sina MC Muah at Lassy Marquez ay naging sina Doctor Strange at Loki.
Bagay na bagay naman kay Vhong Navarro ang pag-edit sa kanya bilang si Spider-Man, si Jhong Hilario naman ay naging si Iron Man, habang si Ion Perez ay nagmukhang si Captain America.
At para makumpleto na ang Marvel superheroes, nag-transform si Jugs bilang si Hulk, Teddy Corpuz as Hawkeye, Ryan Bang as Thor, at si Ogie Alcasid naman bilang si Ant Man.
Sa comment section, sinabi ni Karylle na bigla niyang naalala ang dating segment ng “Showtime” na “Sine Mo ‘To,” “Kailan ang showing? nakakamiss sine mo to hahahaha!”
Ito pa ang mga naging reaksiyon ng netizens sa pasabog ng transformation ng “It’s Showtime” hosts.
“Thorean and Gagamvhong for the win!”
“Bumagay kay Kuys Jhong! Pero yung The Hulk po talaga Kuys.”
“Iba ung dating ni Thor. Mabangis! Namamalo @ryanbang.”
“Gagamboy to Spiderman @vhongx44.”
“Jhong looks like Robert Downey Jr. I’ll give it all to Ryan!”
“The guys looks so real esp Jhong and Ion.”
“Parang yung kay ion lng ang maka totohanan.”
“Ohhh myyyy sooooo cute. Good job kuya jugs!”
“@ryanbang omg! Iba ang pasabog. Di ko agad nakilala.”