‘Noontime Jammers’ ng JamsAp TV bagong kalaban ng ‘Eat Bulaga’ at ‘E.A.T’; marami pang bonggang pasabog na online show

'Noontime Jammers' ng JamsAp TV bagong kalaban ng 'Eat Bulaga' at 'E.A.T'; marami pang bonggang pasabog na online show

MAY bago na namang makakalaban ang “Eat Bulaga” ng GMA 7 at “E.A.T.” ng TV5, yan ay ang “Noontime Jammers” na mapapanood sa JamsAp TV and mobile app.

In fairness, mula sa pagsu-supply ng mga talents ay gagawa na ng sarili nilang mga programa ang JamsAp Entertainment Corporation na ipalalabas exclusively sa kanilang sariling channel at mobile app.

Ito ang magiging first and only TV mobile app habang ang mga programang gagawin nila ay mapapanood din sa ES Transport o EDSA Carousel.

Sa naganap na media conference para sa launching ng nasabing TV mobile app, nagkaroon muna ng ribbon cutting para sa partnership ng JamsAp at ES Transport na dinaluhan nina Jojo Flores (JamsAp CEO), Maricar Moina (JamsAp COO), at Sheril Ong (ES Transport).

Ayon kay Mr. Flores, ang mga programang nakapaloob sa app ay ipo-produce nila at ang kanilang mga Jams artist ang gaganap.

Natanong din ang kinatawan ng ES Transport Group of Companies na nakipag-partner ang JamsAp para maipalabas ang mga talents nina Jojo kung dapat ba laging naka-online ang buses.

“Yes, we are the leading bus in EDSA Carousel. We partnership with JamsAp Entertainment na magpo-provide sila ng mga TV (sets) sa mga units namin it’s like a moving ads na makikita ng mga tao.


“Yung platform na gustong innovation ng JamsAp makikita do’n sa mga buses. Kasi ‘yung mga generation of today is into social media at madali nilang makita ‘yung outcome ng project namin,” paliwanag ni Sheril Ong ng ES Transport.

Nakalinya sa mga gagawin nila ang morning talk show na “Dear Teenagers”, ang talk show na “Adulting 101”, at ang variety show na “Noontime Jammers” na makakatapat nga ng “Eat Bulaga” at “E.A.T.”

Baka Bet Mo: TVJ, iba pang legit Dabarkads nagkaiyakan sa unang pasabog ng bagong show sa TV5, ‘E.A.T.’ na ang gagamiting titulo

Meron din silang sports program, ang “Jam Sports”, travel show na “Lakbay Jams,” Sunday musical-variety show na “Jamsap Sunday,” ang anthology series  na “Tagumpay Ka”, sitcom na “CoolLang CoolLang”, kiddie show na “Coolit Jammers,” food show na “Foodtrip: 8 Mo, 8 Ko!” at ang “Liwanag” na Station ID ng Jamsap TV.

“Our company aims to deliver different type of entertainment together with Es Transport using the latest innovation and technology. We are hoping for the best and many successful years ahead for this join endeavor,” sabi ni Ms. Maricar.

Nilinaw naman ni Mr. Jojo na ang mga programang nasa app ay hindi video on demand, “Actually, it’s a tv programming. Kung ano ang mga napapanood sa mga TV—ABS, GMA, ganoon din ang lalabas sa mga bus.

“Ginamit lang namin ang data. Hindi siya iyong iki-click pa natin para mapanoood ang program whatever ang palabas sa oras na iyon, mula umaga hanggang gabi, tuloy-tuloy na ‘yun. Kaya habang umaandar ang Carousel, ganoon din ang mga programang palabas.

“That’s the reason talaga kung bakit namin pinili si ES Transport dahil habang nakasakay ka sa bus we don’t have any other choice. Paano mo naman ililipat ‘yung nakalagay doon,” sabi pa ng COO ng Jams.

“Isisingit ko rin lang po na na mayroon tayong ‘Noontime Jammers, hello ABS-CBN Showtime and hello Eat Bulaga, we have the Noontime Jammers, ang ka-jammers mo, ‘di ba?!” pagmamalaki pa ni Ms. Maricar.

Globe nagbabala laban sa pagbebenta at paggamit ng mga iligal na signal booster, cell signal blockers at jammers

Glaiza ibinuking ang drama ng ‘Running Man PH’ cast sa last taping day: Yung mga Korean nagtataka, ‘Bakit sila umiiyak?’

Read more...