IGINIIT ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman Lala Sotto na walang ginawang mali ang kanyang mga magulang na sina Tito Sotto at Helen Gamboa sa isang episode ng “E.A.T”.
Sa kanyang naging panayam kay Ogie Diaz sa latest vlog nito ay isa sa kanilang napag-usapan ang mga isyu ng mga noontime shows ngayon at ang akusasyon ng netizens na may pagka-“bias” ang MTRCB na kanyang pinamumunuan.
Marami kasing nagsasabi na “unfair” raw si Lala nang ipatawag niya ang pamunuan ng “It’s Showtime” sa violation nito ngunit walang aksyon nang ang mga magulang niya ang na-call out ng madlang pipol dahil sa halikan ng dalawa on national TV.
Pag-amin niya, aware siya sa mga isyu ng netizens at pagkuwestiyon ng mga ito sa katungkulan niya bilang MTRCB chairman.
Saad ni Lala, [Nandito] po ako bilang MTRCB chairman. Of course, I am very proud to be the daugter of my parents pero ang aking katungkulan bilang MTRCB chairman ay kailangan kong gampanan… Kapag may violation ang isang show or isang programa, very clear naman ako na mas mahigpit ako when it comes to television programs dahil hindi ito kontrolado masyado unlike sa movies, bago lumabas, nako-kontrol namin siya kaya nabibigyan ng akmang rating.
“Pagdating dito sa mga television programs, kapag may violation, natural bibigyan namin ng nararapat na penalty o nararapat na aksyon.”
Pagbabahagi pa ni Lala, lahat naman daw ng reklamong dumarating sa kanila ay kanilang inaaksyunan sa adjudication committee.
“The adjudication committee is comprised of 8-9 lawyers of the MTRCB. Meron rin po kaming educator, may parents na members of the board. We also have a child psychologist na miyembro ng adjudication committee and ofcourse the chairman of adjudication committee is si Atty. Sonny Cases who was board member since the time of Chairman Armida Siguion-Reyna.
“Mayroon rin kaming board members from TV production, nakakaintindi ng production, so paano mo madidiktahan ang mga ganoing professionals? Of course they will based their judgment sa sarili nilang pananaw at sarili nilang opinyon considering thr 7-point guidelines ng aming presidential decree. It is the MTRCB’s mandate to deliver Filipino family value-based media and entertainment. And of course, ‘yung proteksyon ng mga bata sa mga hindi nila nakikita,” pagpapaliwanag ni Lala.
Aniya, ang mga reklamo ay bine-verify maigi ng kanilang ahensya at ang adjudication committee nila ang nagdedesisyon at base sa mga ito ay walang nakita ang committee na paglabag sa eksena ng mga magulang.
Pagbibigay linaw rin ni Lala, alam ng mga ito na kahit show pa na kinabibilangan ng kanyang mga magulang basta may paglabag ay dapat imbestigahan.
“Walang hindi angkop na ikinilos ang aking mga magulang sa nasabing show o programa. Walang paglabag sa aming MTRCB Charter o sa Presidential Decree… There was no violation. Walang malaswa. Walang indecent,” giit niya.
Sey pa ni Lala, “We will be the first to call them out because all the more na dapat sumunod ang mga programa kung saan nandoon ang aking mga magulang… May magulang ba na ipapahamak mo ang mga anak mo? Siyempre hindi. Conscious ka rin naman doon.”
Sinabi rin niya na hindi siya parte ng adjudication committee at pumapasok lang siya sa pag-uusap ng mga ito kapag kinakailangan na ang tulong niya sa pagre-review ng complaints.
Related Chika:
Anak ni Tito Sen na si Lala Sotto itinalaga ni Bongbong Marcos bilang bagong MTRCB chair
Rendon Labador kay MTRCB Chair Lala Sotto: Tatay o Pilipinas?