CURIOUS ba kayo kung sino ang pinakamayaman sa ating bansa ngayong taon?
Well, nilabas na ng business magazine na Forbes ang kanilang listahan diyan.
Ang nangunguna sa kanilang “Philippines’ Richest” ay walang iba kundi ang magkakapatid na Sy mula sa SM Group.
Ang pinagsamang kayaman nina Teresita, Elizabeth, Henry Jr., Hans Herbert at Harley na minana nila mula sa yumao nilang ama na si Henry Sy Sr. ay nasa $14.4 billion o mahigit P810 billion.
Ang bongga ‘diba! Alam naman natin na ang SM ngayon ang isa sa pinakamalaking conglomerates sa Southeast Asia.
Baka Bet Mo: Xian Gaza ipinagtanggol si Barbie Imperial laban kay Debbie Garcia: Magaling lang mang-agaw ng jowa!
Kabilang sa kanilang pagmamay-ari ay mga department store, supermarkets, banks, hotels, real estates at mining.
At para sa mga hindi pa masyadong aware, ang kanilang ama na si Henry ay dati pang napapabilang sa listahan ng richest people ng Forbes.
Sa katunayan nga ay 11 na beses na magkakasunod siyang nangunguna.
Nasa pangalawang pwesto naman ang dating senador na si Manuel “Manny” Villar Jr. na may net worth na $9.7 billion o mahigit P545 billion.
Habang ang bumubuo sa top 5 ng mga pinakamayayamang tao sa Pilipinas ay sina Enrique Razon Jr., presidente ng San Miguel Corp. na si Ramon S. Ang, at ang founder at chairman ng Jollibee Foods Corp. na si Tony Tan Caktiong.
Narito ang kumpletong listahan “2023 Philippines’ 50 Richest” ng Forbes:
Sy siblings $14.4 B
Manuel Villar $9.7 B
Enrique Razon Jr. $8.1 B
Ramon Ang $3.4 B
Tony Tan Caktiong & family $3.2 B
Aboitiz family $3.15 B
Lance Gokongwei & siblings $3 B
Isidro Consunji & siblings $2.9 B
Jaime Zobel de Ayala & family $2.8 B
Lucio Tan $2.6 B
Andrew Tan $2.4 B
Lucio & Susan Co $2.3 B
Ty siblings $2.2 B
Po family $1.4 B
William Belo $1.3 B
Vivian Que Azcona & siblings $1.2 B
Soledad Oppen-Cojuangco & family $1 B
Inigo Zobel $990 M
Campos siblings $960 M
Hartono Kweefanus & family $950 M
Dennis Anthony & Maria Grace Uy $930 M
Gotianun family $850 M
Dean Lao & family $760 M
Betty Ang $695 M
Eusebio Tanco $605 M
Mariano Tan Jr. $550 M
Manuel Zamora Jr. $500 M
Luis Yu Jr. $495 M
Henry Soesanto $455 M
Yap family $445 M
Dennis Uy $440 M
Jacinto Ng $425 M
Yuchengco family $420 M
Menardo Jimenez $390 M
Carlos Chan $380 M
Felipe Gozon $355 M
Gilberto Duavit Jr. $350 M
Robert Coyiuto Jr. $345 M
Edgar Sia II $330 M
Sylvia C. Wenceslao $325 M
Jose Antonio $305 M
Federico Lopez & family $300 M
Alfredo Yao $295 M
Tomas Alcantara $275 M
Wilfred Steven Uytengsu Jr. $230 M
Philip Ang $225 M
Frederick Dy $220 M
Mariano Martinez Jr. $205 M
Keng Sun and Peter Mar & family $200 M
Benedicto & Teresita Yujuico $180 M
Related Chika: