PINAGNILAYAN ng “CIA with BA” hosts na sina Boy Abunda, Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano ang napagdaanan ng kanilang public service program sa nakalipas na dalawang season.
“Inumpisahan natin ‘tong ‘CIA with BA’ sapagkat gusto nating makatulong, gusto nating mag-give back, gusto nating magturo, gusto nating mag-share. Pero alam mo, the more na magturo tayo sa audience natin, sa guests natin, the more na tayo ang natuturuan,” sabi ni Sen. Alan sa episode nitong nagdaang Linggo, Agosto 6.
Simula nang umere ito noong Pebrero 5, 2023, nakapagpalabas na ng mahigit 20 episode ang “CIA with BA” na tinatalakay ang mga isyu tungkol sa relasyon, karapatan, at pera.
“Gusto ko lang malaman ng mga audience na dahil lahat ng nakita niyo ay tunay na mga tao, tunay na istorya nila at tunay na mga problema, gusto po namin lalong makatulong.
“Buong puso po na ang ‘CIA with BA’ ay tutulong, ay matututo… matuturuan din nating makakapag-share tayo sa ating mga kababayan,” dagdag ng senador.
Para naman kay Sen. Pia, hindi biro ang pinagdadaanan ng mga lumalapit sa programa, gayon din kung paano nila hinaharap ang mga ito.
“Kailangan din ng lakas ng loob to share your problems in public. Minsan nakikita natin [but] we take for granted ‘di ba? If not midway, towards the end — nagbe-breakdown sila e.
“And kahit ako, nagbe-breakdown ako because one time sinabi ni Alan na ‘as lawyers, we have to detach ourselves and give advice unemotionally,’ pero gusto kong sabihin, ‘hindi, ako lagi akong emotional!’ Because so many of the problems, I can relate to as a woman, as a mother, as a human being,” sabi niya.
Baka Bet Mo: Nanay na ‘inireklamo’ nakatanggap pa ng tulong mula sa ‘CIA with BA’
Dagdag pa niya, “It’s not always easy to detach but of course because of my training, kaya kong magbigay ng legal advice pero ang nangyari—and we all evolve—we each end up giving very personal advice that I think sometimes 75% na nu’ng advice and even the solution is not even just legal.
“But that’s what humanizes our show I think and I hope people see that and kung ‘yun naman ang naitutulong din natin, of course hindi mawawala ‘yung legal component but we’re happy to be here and we hope we can continue to serve you well, give us feedback, let us know and don’t be shy,” mariin niyang pahayag.
Ibinahagi naman ni Tito Boy kung paano sila naaapektuhan ng mga taong ito at ng kanilang mga kwento.
“It doesn’t end when we say ‘good bye’ kasi baon-baon natin ‘yung mga kwento e, ‘di ba? Apektado ka. Nababago ‘yung iyong pananaw so it humbles us in many ways ‘pag nakikita at napapanood natin ‘yung mga kwento, you somehow appreciate and question, and because that is a process of becoming better.
“So everytime we come into the show, may materials na binabasa but you know, we do not become what we want without knowing it, in every show that you see, we become who we are,” dagdag pa niya.
“There’s so much work that we bring into it but the output there is for the benefit of the people na pumunta dito na ‘yun nga, nagtiwala sila—sa istorya nila na sh-in-are nila sa amin and then nagtiwala sila sa amin na ma-share namin ‘yan sa inyo. So we have to interpret it in a way that the mllions of people watching—may value ‘yon sa kanila kahit hindi ‘yon ‘yung problema nila. We try to give them the takeaway,” sinabi ni Sen. Pia sa pagtatapos.
Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.
Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.
Ngayong Agosto 13, opisyal nang papasok sa ikatlong season ang “CIA with BA.” Patuloy pa rin itong mapapanood tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.
Related Chika:
Boy Abunda, Alan Peter Cayetano ramdam na ramdam ang bigat ng kalooban ng mga nagrereklamo sa ‘CIA with BA’
Payo ng ‘CIA with BA’ sa mga tatay na patuloy na nagsasakripisyo para sa pamilya: ‘Laban lang!’