Gary V ibinandera ang engagement ni Kiana Valenciano sa non-showbiz BF: ‘My beautiful forever-princess’ ring says it all!’

Gary V ibinandera ang engagement ni Kiana Valenciano sa non-showbiz BF nito: 'My beautiful forever-princess’ ring says it all!'

Kiana Valenciano at Gary Valenciano

IBINANDERA ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa buong universe na engaged na ang kanyang anak na si Kiana Valenciano.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, masayang ibinahagi ng aktor at singer-songwriter na nag-propose na ang boyfriend ng kanyang anak kaya naman super happy ang kanilang pamilya.

Kalakip ng litrato nila ni Kiana ang kanyang message para sa nag-iisang anak na babae, kung saan ipinagsigawan nila sa madlang pipol kung gaano siya kaligaya sa bagong milestone ni Kiana.


“My beautiful forever-princess’ ring says it all. I love you @kianavee !!! Am so happy for you,” ang simulang bahagi ng  caption ng Instagram post ni Gary.

Aniya pa, “So much I want to tell you Kiana … but I think I will save that for a day when you and I can just sit and talk …. just you and I before the big day arrives and the wedding bells toll.

Baka Bet Mo: Coco Martin todo ang pasasalamat kay Gary V: Kung alam n’yo lang, sobrang mahal na mahal ko kayo!

“My heart tugs but not with sadness my dearest princess… but with the joy of the Lord for how …He has orchestrated your life … and how He will continue to do so,” lahad pa bi Gary V.


Pinasalamatan din niya ang fiancé ni Kiana na si Sandro, “I’m thankful for the young man the Lord allowed to find you. Love you too @senditdro … what a joy it is to have you in the V family.”

Matatandaang naging item noon ang anak nina Gary at Angeli Pangilinan sa singer-actor na si Sam Concepcion ngunit nagkahiwalay din noong September, 2018.

Bukod kay Kiana, may dalawa pang anak sina Gary at Angeli – yan ay ang mga musikero ring sina Paolo at Gabriel Valenciano.

Kiana Valenciano binash ng netizens; Aga Muhlach sasabak sa bagong teleserye

Gary V hindi lalayasan ang ABS-CBN, wala ring balak sumabak sa politika

Read more...