Korean actor-singer na si Eric Nam tinawag na ‘gold mine’ ang SB19, gustong maka-collab sina Bruno Mars, Justin Bieber at Taylor Swift
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Eric Nam
SUPER excited na ang Korean singer-actor na si Eric Nam sa mga gagawin niyang projects dito sa Pilipinas ngayong nasa pangangalaga na siya ng NYMA (Now You Must Aspire).
Ang NYMA talent management ay pinamamahalaan ng asawa ni Christian Bautista na si Kat Ramnani-Bautista na nagkaroon ng bonggang event kamakailan kung saan ipinakilala nga ang mga bago nilang artists.
Sa nasabing media launch ay nabanggit ni Eric na ilan sa mga gusto niyang maka-collab in the future ay sina Bruno Mars, Justin Bieber, Charlie Puth at Taylor Swift.
Looking forward din siya sa mga projects na ibibigay sa kanya ng NYMA kung saan posible naman niyang makasama ang ilan sa mga ipinagmamalaking talent ng Pilipinas.
Sabi nga ni Kat, gagawin ng NYMA ang lahat para mas makilala pa ng Pinoy audience si Eric.
Marami namang fans ang umaasa na magkakaroon din ng bonggang collaboration si Eric Nam at ang super P-pop group na SB19.
Sa ulat ng “24 Oras Weekend” last Sunday, nabanggit ng South Korean star na kilala niya ang SB19 at napanood na rin niya ang “GENTO” music video ng grupo.
“I just saw that. They’re in like a gold mine, doing things in a gold mine. I was like, ‘Oh, that’s interesting.’ They have some really fun music.
“I am looking forward to doing a much deeper dive into Filipino pop culture,” aniya pa.
Sa ngayon ay nakabase si Eric sa Amerika, at doon ay may nagawa na siyang acting project, ang “Transplant,” “Excited to make my acting debut as Jonah Yoon in Transplant alongside some incredible actors and creatives.”
Nakatakda namang i-release sa September 8 ang ng album niyang “House on a Hill”, “Have you pre-saved and pre-ordered the album yet? Everything you need at ericnam.com. Don’t leave yet. Song and music video drop August 11! Share this with a friend!”
Samantala, nakilala na rin ni Eric ang Kapuso singer Christian Bautista na kasama na niya sa NYMA. Yes, hina-handle na rin ngayon ng asawa niyang si Kat ang kanyang career.
“Christian was incredibly nice and gracious and we had dinner together,” sey ni Eric.
Tungkol naman sa kanyang Pinoy fans, itinuturing daw niya ang mga itong “beshy”, “They’re very kind, very warm-hearted, and whenever I’m here I can feel the love and so it’s nice to be back.”