With that, talagang mas pinili niyang makasama muli si Gillian sa spin off ng “2 Good 2 Be True”, ang ABS-CBN YouTube show “ReTox To Be Continued”.
“Sabi ko nga, sa ‘2 Good 2 Be True’ nabitin kami sa loveteam namin. Parang inaasar nga ako nila direk dati. ‘O, handa ka na ba na maghiwalay kayong dalawa?’” chika ni Yves sa recent mediacon for the said YouTube series.
Of course, nagbibiro lang ang staff nang sabihin nito sa kanya na maghihiwalay na sila ni Gilian. Ang totoo, nagkaroon pa nga ng part two ang kanilang ReTox love team.
“Para sa akin, kung may work na magkasama kami, ’yun ang pipiliin ko. Actually, ginawa ko na ‘yun. Mas pinili ko ‘yung sa amin.
“Nagkaroon ako ng choice na mapartner sa iba muna pero mas pinili ko si Gillian. Ayoko siyang iwan na siya lang mag-isa sa isang teleserye. Parang mas pipiliin ko na dalawa kami kaysa sa ako lang,” pagre-reveal ni Yves.
Actually, hindi nakita ni Yves ang possibility na magkakaroon ng part two ang nabuong ReTox love team sa “2 Good 2 Be True” at magiging isa itong spin off ng series.
“Itong ReTox na ito hindi namin ine-expect kasi parang wala siya sa script at story.Sa tagal ng (pagte-taping namin) meron silang nakikita na hindi namin nakikita.
“Eventually, narealize namin na meron ngang something sa tuwing napapanood namin which is hindi naman namin nararamdaman at sinasadya,” say niya.
Viewers can stream episodes 1 to 4 of “ReTox To Be Continued” this August 1 to August 4 and episodes 5 to 8 this August 8 to August 11, 6 p.m. on ABS-CBN’s YouTube channel.