Iba’t ibang Pinoy talents target i-showcase sa ‘Linya-Linya Land 2023’, may pa-fundraising event din

Iba’t ibang Pinoy talents target i-showcase sa ‘Linya-Linya Land 2023’, may pa-fundraising event din

PHOTO: Courtesy of Linya-Linya

MASAYA pero makabuluhan.

Ganyan inilarawan ng Linya-Linya Founder na si Ali Sangalang ang inaabangang music show na “Linya-Linya Land 2023” ngayong Agosto.

Nakachikahan ng BANDERA at ilang media press si Ali kamakailan lang at sinabi nga niya na kaya nila naisip na pagsamahin ang iba’t-ibang klase ng Pinoy talents sa iisang event ay para ma-establish ang “communities empowerment” at adbokasiya pagdating sa social change.

“Natutuwa nga kami kasi naging space din talaga ang Linya-Linya for showcasing Filipino talents,” sey ng founder ng Linya-Linya.

Dagdag pa niya, “Kahit may iba-iba silang fields, parang it’s all about Filipino experiences, all about shared advocacies. So combination talaga ito of all our collaborators and celebrating their works.”

Nabanggit din niya na bukod sa mga pagtatanghal ay magkakaroon din ng pagkakataon upang makalikom ng tulong at donasyon ang kanilang advocacy partners.

“Dagdag ko lang din sa [event] ang advocacies partners natin, we have ‘Angat Buhay,’ ‘A-HA! Learning Center’ and ‘Bantayog ng mga Bayani Foundation.’ Ito ‘yung mga orgs na hindi bago sa amin,” sambit niya.

Baka Bet Mo: Ilang OPM artists, komedyante, visual artists magsasanib-pwersa sa ‘Linya-Linya Land 2023’, ibabandera ang ‘communities empowerment’

Saad pa niya, “We share the same advocacies so ‘yun din ang ginagawa ng Linya-Linya na parang hindi lang masaya, hindi lang creative pero may meaning.”

“So kaya namin sila sinama dito sa event [kung saan] nag-provide din kami ng booths nila na para ma-connect ‘yung community with them [at] mas makilala sila,” paliwanag niya.

“Magkakaroon kami ng registration for volunteers, magkakaroon [din] kami ng pwedeng donations,” aniya pa.

Linya-Linya Managing Director Jim Bacarro, Linya-Linya Founder Ali Sangalang; PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

Para sa kaalaman ng marami, Magsasama-sama sa nasabing event ang ilang malalaking pangalan pagdating sa musika, comedy at sining.

Kabilang sa lineup ng mga Pinoy singers at banda ay sina Ebe Dancel, Johnoy Danao, Nica Del Rosario, Cheats, Autotelic, at DJ Ayel.

Mangunguna naman pagdating sa standup comedians ay sina Victor Anastacio, Nonong Ballinan, GB Labrador, James Caraan, at Jeleen Cubillas.

At siyempre, ang kukumpleto naman sa non-performing headliners ay ang ilan sa mga most acclaimed at established talents in Philippine art tulad nina Manix Abrera, Rob Cham, at Pol Medina Jr.

Present din sa event ang ilang muralists at illustrators na sina Panch Alvarez at AG Saño.

“Happy lang kami as Linya-Linya na makapag-provide ng space for these talented artists at ma-share ‘yung talents nila at ma-connect sa mga advocacies na important sa amin,” saad ni Ali.

Mensahe pa niya, “Magiging venue ito sa mga tao to enjoy and have fun pero at the same time, mas meaningful experience siya.”

“Ang main goal lang naman namin sa gabing ito ay maging masaya tayo pero may bitbit tayong pauwi na pwedeng matutunan o pwedeng gawin,” ani pa ng founder.

Ang “Linya-Linya Land 2023” ay mangyayari sa 123 Block sa Mandaluyong City sa August 26.

Ang tickets ay nagkakahalaga mula P900 hanggang P1,700 na mabibili lamang sa online via bit.ly/linyalinyaland23.

Related Chika:

Read more...