Rocco Nacino first time natakot, muntik maaksidente ang anak: ‘Buti nasalo ko ‘yung paa ni EZ!’

Rocco Nacino first time natakot, muntik maaksidente ang anak: ‘Buti nasalo ko ‘yung paa ni EZ!’

PHOTO: Instagram/@nacinorocco

NAKAKABIGLA naman ‘yung latest social media post ng aktor na si Rocco Nacino!

Paano ba naman kasi, muntikan nang maaksidente ang anak nila ni Melissa Gohing na si EZ.

Sa Instagram, ibinandera ni Rocco ang CCTV footage ng pangyayari habang sila ay nagbo-bonding sa kanilang bahay.

Kwento ng aktor, “Just a few minutes ago, hawak-hawak ko si EZ sa table. I reached over para patayin ‘yung isang lamok. Sa isang iglap, EZ chose to lean over to the side dito sa edge. Nalaglag siya, pero nasalo ko ‘yung paa ni EZ.”

Sinabi pa ni Rocco sa video na naiiyak siya sa tuwing naaalala niya ‘yung nangyari.

Inamin din niya na ito ang unang beses sa kanyang buhay na natakot siya.

Dahil sa naranasan niya, nagpaalala siya sa mga baguhang magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak.

Mas nagiging prone, aniya, sila sa aksidente kapag lumalaki ang isang bata.

Baka Bet Mo: Panganganak ni Melissa Gohing parang eksena sa pelikula: May ‘slow mo’ moment effect sa paligid

“Reaching out to all the new parents out there, as they grow bigger, older parang lumalaki din ‘yung dangers that come along the way,” panawagan niya.

Dagdag pa niya, “Thinking about it kapag hindi ko siya nasalo baka naospital pa kami. So parents, always keep an eye out on your children.”

“Stop being on your phones. It’s playtime with your kids, playtime with them. Don’t make the mistake I did. Be safe,” ani pa ni Rocco.

Sa caption naman, sinabi niya na kailangan na niyang gawing “baby-proof” ang kanyang bahay upang manatiling ligtas ang kanyang anak.

“Now I really have to baby proof the whole house to ensure a safe, playable environment,” wika niya sa IG.

Nag-reply sa naturang post si Melissa at nagpasalamat na walang nangyaring masama sa kanilang anak.

“Huhuhu pag nandyan ako iiyak ako. God is good nothing happened,” sey niya.

Kasunod niyan ay maraming netizens ang naka-relate at sumang-ayon sa ibinahagi ni Rocco.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Mabuti mabilis reflexes mo. But as a parent, I truly empathize. As our kids grow older, marami pang darating na close calls, bumps, and bruises.”

“Yes po, habang lumalaki sila is dapat 3x or 10x na tayong mas alerto. Kase kahit isang segundo lang, pwede sila mahulog or madapa etc. I salute you po for becoming a very hands on dad [red heart emoji].”

“Don’t feel guilty po normal naman po sa stage nila ‘yan at satin parents. At the end of the day, doble lagi ingat natin.”

Kung matatandaan, taong 2021 nang ikinasal ang dalawa at October 2022 naman nang biniyayaan sila ng anak na si Ezren Rafaello o EZ.

Related Chika:

Read more...