Wanted: Delivery riders na nangangarap mag-artista at kering-kering makipagsabayan sa aktingan kina Ruru, Matteo at Kylie | Bandera

Wanted: Delivery riders na nangangarap mag-artista at kering-kering makipagsabayan sa aktingan kina Ruru, Matteo at Kylie

Ervin Santiago |August 06,2023
facebook
share this

Wanted: Delivery riders na nangangarap mag-artista at kering-kering makipagsabayan sa aktingan kina Ruru, Matteo at Kylie

Ervin Santiago - August 06, 2023 - 07:53 AM

Wanted: Delivery riders na nangangarap mag-artista at kering-kering makipagsabayan sa aktingan kina Ruru, Matteo at Kylie

Ruru Madrid

ITO na ang pagkakataon para sa mga bayaning delivery riders na maging artista at makasama ang mga bigating Kapuso stars!

Naghahanap kasi ang GMA Public Affairs ng mga delivery riders na mapapabilang sa upcoming primetime series na “Black Rider” na pagbibidahan ng Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid.

Para sa chance na mapili, kinakailangan lamang i-post sa social media ang audition video na nagpapakita ng talent or skill at kumbinsihin ang screening team kung bakit karapat dapat na maging bahagi ng series.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Huwag ding kalimutang gamitin ang hashtag na #SamaAkoBlackRider.

In fairness, marami na kaming nakilalang mga delivery riders na talagang artistahin, bukod pa diyan ang mga nagba-viral at nagte-trending sa social media na bumibida sa mga inspiring stories.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, mga Kapusong delivery riders? Malay n’yo, kayo na ang susunod na makakatrabaho ng iba pang “Black Rider” stars gaya nina Kylie Padilla at Matteo Guidicelli!

* * *

Mukhang marami ang nakaka-relate sa kuwento nina Hope Celestial (Julie Anne San Jose) at Miguel Agustin (Rayver Cruz) sa “The Cheating Game” na showing pa rin sa mga sinehan nationwide.

Tagos kasi sa mga niloko at nanloko ang pelikulang ito ng JulieVer.

Baka Bet Mo: Riders na sisilong sa ilalim ng mga footbridge, flyover papatawan ng P500 na multa –MMDA

Tila nakipagsabayan pa ang first movie ng GMA Public Affairs sa weather dahil inulan din ito ng positive reviews mula sa mga nakapanood na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


Marami rin ang patuloy na naaaliw sa mga hugot lines at quotable quotes ni Hope at sa mga tagos sa heart na linyahan ni Miguel.

Ibang Julie nga ang mapapanood sa pelikula na produced under GMA Pictures.

Kaya naman sa mga curious panoorin ang “The Cheating Game,” sugod na sa paborito ninyong sinehan para malaman paano nga ba manalo sa laro ng pag-ibig.

Kris Bernal humingi ng saklolo sa NBI para hantingin ang nasa likod ng fake delivery booking

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Imperial namigay ng pagkain sa mga food delivery rider: Grabe ‘yung serbisyo nila para sa atin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending