Herlene Budol umaming naging ’cause of delay’ sa taping ng ‘Magandang Dilag’: ‘Dahil po kasi yun sa transport strike sa Angono’

Herlene Budol umaming naging 'cause of delay' sa taping ng 'Magandang Dilag': 'Dahil po kasi yun sa transport strike sa Angono'

Kim Atienza at Herlene Budol

HINDI nagpaliguy-ligoy ang Kapuso actress-TV host na si Herlene Budol nang matanong tungkol sa ilang isyu at kontrobersya na kinasangkutan niya nitong mga nagdaang buwan.

Na-hotseat ang bida sa Kapuso afternoon series na “Magandang Dilag” nang mag-guest sa isang episode ng “Dapat Alam Mo!” na napapanood sa GTV Channel hosted by Kim Atienza, Susan Enriquez at Patricia Tumulak.

Sumalang si Herlene sa lie detector test segment ng programa na “Not Gonna Lie” at isa sa mga inusisa sa kanya ang chika na nagiging “cause of delay” daw siya sa taping ng “Magandang Dilag.”


“Totoo ba na nagiging cause of delay ka sa taping ng iyong drama series na ‘Magandang Dilag’ dahil sa dami-dami ng raket mo?” ang tanong ni Kuya Kim sa komedyanang beauty queen.

“I’m not gonna lie Kuya Kim and Ate Sue (Susan), yes,” ang diretsahang sagot ng Kapuso actress.

Pero agad ding dumepensa si Herlene sa nasabing isyu, “May explanation naman po diyan. Isang beses lang po akong na-late dahil po roon sa strike sa amin sa Angono, Rizal.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra kinalampag ang senado ukol sa SOGIE Bill: Tama na ang delaying tactics!

“May sasakyan naman po ako pero ‘yung mga nakaparada po kasing mga jeep na nagprotesta, sa amin po pinarada, so wala po akong malabasan noon,” paglilinaw pa ng dalaga.

Pagkatapos daw ng insidenteng iyon ay hindi na raw ito naulit pa dahil alam naman daw ni Herlene na isang mortal sin ang pagiging unprofessional sa trabaho, “So once is enough, hindi na po naulit ‘yon.”


Samantala, patuloy na umaarangkada ang “Magandang Dilag” sa ratings game, sa katunayan, noong July 26, nakamit ng programa ang pinakamataas na 11.3% rating mula noong umere ito sa GMA Afternoon Prime.

“11.3 thank you everyone grabe ‘yung buhos ng pagsuporta n’yo,” pasasalamat ni Herlene sa mga manonood sa pamamagitan ng kanyang Instagram page.

Update: Naungusan na ng “Magandang Dilag” sa ratings game ang nangungunang Kapuso serye na “Abot-Kamay Na Pangarap” ni Jillian Ward.

Noong August 3, nakakuha ng 13% ang “Abot Kamay Na Pangarap” habang 13.2% naman ang nagetsing ng “Magandang Dilag”.

Ka-join din ni Herlene sa serye sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Adrian Alandy, Sandy Andolong, Bianca Manalo, Maxine Medina, Chanda Romero at marami pang iba.

Herlene Budol dinenay na naging pasaway sa taping ng ‘Magandang Dilag’: ‘Pero happy ako, salamat sa nagra-write up sa akin’

Herlene Budol sumabak na sa taping ng ‘Magandang Dilag’: ‘Nahihiya ako baka ang baho ng hininga ko!’

Read more...