“MAGSAWA sila sa trademark basta amin ang copyright,” ito ang sagot ng dating Senate President na si Tito Sotto sa anunsyo ng TAPE Inc. ukol sa renewal ng “Eat Bulaga” trademark at logos nito.
Nitong Sabado, August 5, ay nag-viral sa social media ang Certificate of Renewal of Registration na inisyu ng Intellectual Property of the Philippines (IPO) para sa Eat Bulaga trademark and logo ng programa.
Nakasaad sa nasabing dokumento ang petsa na inirehistro ito noong Hunyo 14, 2013 at petsa ng renewal ay nitong Hunyo 14, 2023 na magiging balido hanggang Hunyo 14, 2033 o another 10 years.
Ang pinayl naman ng TVJ o nina Tito, Vic, at Joey ay ang copyright infringement at unfair competition case against TAPE at GMA Network sa pagpapalabas nito ng mga replay episodes ng orihinal na Eat Bulaga gamit ang mga segments na ginawa mismo ng orihinal na Eat Bulaga team.
Matatandaang inere pa rin ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 ang mga segments kahit na nag-resign na ang mga original hosts at staff nito at kumawala na sa TAPE, Inc nap ag-aari ng Jalosjos family.
Sa kasalukuyan ay umeere ang noontime show ng TVJ sa TV5 na may titulong E.A.T. pansamantala habang dinidinig sa korte ang tungkol sa Application for the Issuance of Writ of Injunction on the Copyright Infringement and Unfair Competition na nakasampa sa Marikina Regional Trial Court.
Related Chika:
‘Eat Bulaga’ trademark ni-renew ng IPO, nananatiling pagmamay-ari ng TAPE Inc
TAPE Inc naglabas ng statement ukol sa kasong isinampa ng TVJ: It is not a copyright infringement