Kyline Alcantara naghatid ng tulong sa Bicol, namigay ng relief goods sa mga biktima ng Mt. Mayon

Kyline Alcantara naghatid ng tulong sa Bicol, namigay ng relief goods sa mga biktima ng Mt. Mayon

PHOTO: Instagram/@itskylinealcantara

KASABAY ng pagbisita niya sa hometown ng kanyang ama, nagkaroon ng relief operations ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa Bicol.

Makikita sa Instagram page ng aktres ang mga litrato na kung saan siya mismo ang nagbigay ng tulong para sa mga apektado ng nag-aalburutong bulkang Mayon.

“Today, I got to visit my father’s hometown and checked with people who are greatly affected with Mayon,” wika niya sa post.

Caption niya pa, “Glad that I was able to see them, talk to them and hug them. I was able to see their little smiles and glimmer of hope in their eyes despite what happened.”

Kasunod niyan ay hinikayat niya ang publiko na mag-abot din ng tulong, lalo na sa mga talaga namang naging biktima ng mga kalamidad.

“I encourage everyone to help our kababayan who are in dire need, especially those who are greatly affected with recent typhoons and Mayon,” wika niya sa IG.

Aniya pa, “It doesn’t have to be big or small — small things goes a long way, right?”

Baka Bet Mo: Kyline Alcantara umaming pareho silang na-bully ni Belle Mariano noong nagsisimula pa lang sa showbiz

Dahil sa kabutihang loob na ginawa ni Kyline ay maraming netizens ang lalong natuwa at na-inspired sa kanya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Wow, such a big deed Kyky. That’s why God blessed you abundantly because you know how to share what you have…Hindi talaga kami nagkamaling suportahan ka [red heart emoji].”

“Napakabait mong tao Kyline. God bless you always [white heart emoji].”

“Napakaganda mo inside and out love. Napaka-worth it mong suportahan [red heart emoji].”

Base sa latest report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong August 2, bagamat medyo kumalma na ang bulkang Mayon ng mga nakaraang araw ay nakataas pa rin ito sa Alert Level 3 na kung saan ito ay may “intensified or magmatic unrest.”

big sabihin niyan, anumang oras ay posible pumutok ang bulkan.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 7-km radius permanent danger zone malapit sa bulkang Mayon na kung saan ay hindi rin pwede ang anumang paglipad ng sasakyang panghimpapawid.

As of this writing, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang nasa 38,396 na indibidwal o 9,876 na pamilya ang apektado ng nag-aalburutong bulkan.

Related Chika:

Bulkang Mayon nag-aalburoto pa rin, patuloy na naglalabas ng lava, debris

Read more...