AGAD na nag-trending ang South Korean actor na si Jung Hae In sa X (dating Twitter) matapos ang pag-aanunsyo nina Jisoo ng BlackPink at Korean star Ahn Bo Hyun ng kanilang relasyon.
Matatandaang nitong mga Huwebes, August 3, nabigla ang mga faney ni Jisoo matapos kumpirmahin ng kanyang talent agency na nasa “dating” stage na ang dalawa.
Marami kasi ang mga nagshi-ship kina Hae In at Jisoo matapos silang magtambal sa kanilang first lead series na “Snowdrop”.
Kaya naman hindi mapigilang mausisa ang aktor hinggil sa kanyang reaksyon ukol sa relasyon ng dalawa sa kanyang presscon para sa premiere ng kanyang Neflix original series na “D.P. 2”.
Base sa inilabas ng Korean online site na Soompi, hindi raw totoo ang mga lumalabas na chika na siya ang naging tulay para magkakilala ang dalawa.
Pag-amin ni Hae In, maging siya ay na-shookt nang malaman ang balita.
“I also saw it through the entertainment news section of a web portal before this interview.
“I didn’t know they were dating,” lahad ni Hae In.
Baka Bet Mo: Blackpink Jisoo, Ahn Bo-Hyun kumpirmadong ‘in a relationship’ na
Sa kabila nito ay masaya naman si Hae In para sa mga kaibigan.
“I hope the two of them will continue their healthy and beautiful relationship,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa ni Hae In, “I’m not very interested in dating news of celebrities and such. I’m also a celebrity, but I’m not that interested in other people’s relationships.”
Marami naman sa mga netizens ang nag-react ukol rito.
“Watching snowdrop before & fell in love with Haesoo made my Kdrama life so much fun. I will never regret supporting these two. Thank you Hae In & Jisoo! Let my Haesoo heart be at peace now,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Bagal mo kasi, Hae In!!! Anyway, as long as Jisoo is happy, I’m happy for her.”
Maliban sa “Snowdrop”, ilan pa sa pinagbidahan ni Jung Hae In ay ang “The Three Musketeers”, “Prison Playbook”, “Something in the Rain, “A Piece of Your Mind” at “D.P.”
Related Chika:
2 member ng BlackPink type jowain ni Enchong; Erich patay na patay kina Park Bo Gum at Hyun Bin