KAHIT bigyan ng pagkakataon ay walang balak ang Kapuso actor na si Alden Richards na palitan o baguhin ang naging takbo ng kanyang showbiz career.
Sa kanyang panayam na sa “Kapuso Exclusives” na mapapanood sa YouTube channel ng GMA Network ay natanong ang binata ukol sa kanyang trabaho.
Isa na rito ay kung may nais o balak ba itong baguhin sa takbo ng kanyang karwra bulang artista.
“None,” sagot ni Alden.
Pagpapatuloy niya, “A huge part of what we are right now is our past, so nothing has to be changed.”
Bukod rito, ibinahagi rin ni Alden ang “most fulfilling thing” para sa kanya bilang isang artista.
“It’s really more of inspiring people with the things that we do. Of course we are here in this position for us to give entertainment, to make the lives of our viewers and supporters a little better every day while watching our contents and the things that we do at the same time release, “lahad ng aktor.
Dagdag pa ni Alden, “Ang akin talaga, is ‘yung inspirasyon na naibibigay ko sa supporters ko.
Bukod rito, natanong rin ang binata king ano ang kanyang maipapayo sa kanyang 18-year-old self.
Sey ni Alden, “Huwag kang tamad, huwag kang masyadong magpalunod sa overthinking mo, at saka huwag kang masyadong magpaapekto sa mga tao sa paligid mo.
“Always fulfill your dreams, ‘yung goals mo, when that’s clear to you, kayang kaya mo ‘yan ma-fulfill once you have that passion. So keep on dreaming.”
Samantala, nasa America ngayon si Alden kasama si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee para sa grand coronation gala ng Miss Filipina International pageant.
May upcoming show naman ang binata na pinamagatang “Battle of thr Judges Philippines” kung saan siya ang magsisilbing host.
Ang mga makakasama niya bilang mga judges ay sina Boy Abunda, Ms. Annette Gozon-Valdes, Jose Manalo, at Bea Alonzo.
Related Chika:
Alden Richards muntik nang maging girlfriend si Julie Anne: ‘I’m very sorry iniwan kita, sana napatawad mo na ‘ko’