Coleen mas pinili muna ang pagbabalik-showbiz kesa sundan si Billy sa Europe: ‘Ngayon lang din ako nagkaroon ng time for myself’

Coleen mas pinili muna ang pagbabalik-showbiz kesa sundan si Billy sa Europe, super na-miss kachika ang showbiz press

Billy Crawford at Coleen Garcia

MAS pinili muna ni Coleen Garcia na manatili sa Pilipinas at ipagpatuloy ang kanyang showbiz career kesa sumunod sa kanyang asawang si Billy Crawford sa Europe.

Nasa France ngayon si Billy para sa kanyang mga series of shows at iba pang commitments kaya LDR o long distance relationship muna ang peg nila ni Coleen.

Ang una talagang kasunduan ay susunod talaga siya kay Billy sa France kasama  ang kanilang anak na si Amari. Sa katunayan, may plano na rin daw silang mag-travel habang naroon sila sa Europe.


Pero nagbago nga ito nang dumating ang ilang acting projects kay Coleen, kabilang na ang bago niyang digital serye na “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” na mapapanood sa streaming site na Viva One simula sa August 21.

“I haven’t been able to find my footing for the longest time so I really need this time also, and I really prayed so hard about it. I felt that God tell me to stay talaga so naramdaman ko talaga. I told Billy and he said, ‘It’s okay, Love,'” paliwanag ni Coleen sa presscon ng “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” last Tuesday.

Baka Bet Mo: Herlene Budol mas pinili muna ang career kesa lovelife: ‘Wala na po akong boyfriend, mas pinili po naming magpayaman’

Pag-amin pa ni Coleen, naka-experience rin siya mga nga struggles nitong mga nagdaang taon at malaking tulong daw ang pagiging busy niya uli sa showbiz, “I was left behind talaga for the past three years, my mental health, everything, it took the backseat.

“So now, I’m finally recovering. Si Amari, pinapayagan na ako mag-work. I think the three years that I really bonded with him, it helped,” aniya pa.


Tuwang-tuwa rin siya sa muli niyang pagharap sa entertainment press makalipas ang mahabang panahon para sa mediacon ng “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” na hango sa librong isinulat ni Marcelo Santos III.

Ka-join din sa cast ng serye sina Carlo Aquino, Ryza Cenon, Jerome Ponce, Kiko Estrada, at Rhen Escaño, mula sa direksyon ni Carlo Catu.

“Super, na-miss ko kayo lahat kachika, na-miss ko yung ganitong events. Parang it’s a part of me (showbiz) na hindi ko alam na it really is a part of me.

“Masaya naman ako at home and I think those three years were very important para ma-realize ko na this is all I need and everything outside is a bonus para mas ma-enjoy ko.

“Feeling ko kasi before, I was taking everything too way seriously, and sometimes when that happens, especially in the public eye, we get a lot of comments, we get a lot of bashing every now and then, sometimes it hurts.

“Parang those years just with my family made me realize na ito pa lang masaya na ko. So, whatever is outside, plus na lang yun. Walang minus, plus lang,” chika ng aktres.

Plano ni Coleen na ituluy-tuloy na ang kanyang acting career dahil feeling niya hindi na ito makakaapekto sa kanyang pagiging wifey at mommy.

“I feel like finally after three years nakakabuwelo na ako in the career aspect this time. At saka Billy’s away, he’s away for two months, nasa France siya. So, ngayon lang ako nagkaroon ng time din for myself,” sabi ng aktres.

OOTD ni Xian Gaza patungong Europe umabot daw sa halagang P596,000; inokray-okray sina Andrea at Ricci

Billy umamin kay Korina, nagsimulang magtrabaho sa edad na 3 at naging pizza delivery boy

Read more...