Pambubuking ni Alexa Ilacad kay Charlie Dizon: ‘The best siya talaga! Opposites kami in a way kasi ang ingay talaga niya!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad at Elisse Joson
KUMBAGA sa magka-loveteam, may sariling magic at chemistry ang mga Kapamilya actress na sina Alexa Ilacad at Charlie Dizon kapag makaeksena na.
Patunay diyan ang mga eksena nila sa ABS-CBN at TV5 series na “Pira-pirasong Paraiso” kung saan gumaganap silang magkapatid, along with Loisa Andalio and Elisse Joson.
Nagkasama na sina Alexa at Charlie sa pelikulang “Four Sisters Before a Wedding” kaya naman medyo gamay na nila ang isa’t isa pagdating sa mga pasabog na eksena.
Paglalarawan ni Alexa sa working relationship at friendship nila ni Charlie, “The best talaga. Kami ni Charlie, opposites kami in a way kasi ang ingay niya talaga. She’s the life of any set, any place.
“Siya talaga ang bumubuhay. Nakakatawa iyan. Sometimes, I don’t know what to expect from Charlie which is nice because she keeps me on my toes during scenes,” sey ng ka-loveteam ni KD Estrada sa isang interview.
Aniya pa, “May isang beses na sampalan ‘yung eksena. Right before, grabe tumawa, wagas talaga, para kaming nasa comedy bar. Tawa siya ng tawa tapos bigla na lang kaming nagsampalan. Saan nanggaling iyon? Ganu’n siya lagi.”
Bilib din daw siya sa professionalism at pagiging generous ni Charlie bilang kaeksena, “I only have to touch her and nakukuha ko na ‘yung kailangan kong makuha. Nandoon ‘yung connection namin. I think Charlie and I make a very good team.”
Samantala, puring-puri rin niya sina Loisa at Elisse bilang co-stars sa serye, “I love those girls. I know that we all have the same goals, which is to make ‘Pira-pirasong Paraiso’ the best we can and pagandahin ‘yung teleserye talaga.
“So walang lamangan, walang attitude. It’s such a harmonious set and so fun,” sabi pa ng Kapamilya actress.