Kongreso sa Europe trip nina Arjo at Maine: Walang involved na pera mula sa kaban ng bayan

Kongreso sa Europe trip nina Arjo at Maine: Walang involved na pera mula sa kaban ng bayan
WALANG pera mula sa gobyerno ang gagamitin sa nalalapit na Europe trip ng newlywed couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Kinumpirma ng House secretary general Reginald Velasco sa Inquirer.net na may inihaing travel authority sa congressman ng District 1 ng Quezon City para sa kanilang pagbisita sa Switzerland, Greece, at Italy ngunit ang mga ito ay out of their personal expenses.

“No government funds will be spent as he will finance his trip,” saad ni Velasco sa mensaheng ipinadala nito sa Inquirer.net.

“The House of Representatives (HOR) on August 2 confirmed that Quezon City 1st District Rep. Juan Carlos ‘Arjo’ Atayde has been issued an official travel authority (TA) that allows him to travel to Switzerland, Italy, and Greece from August 5 to 27, the cost of which will not be shouldered by the government,” ayon pa sa hiwalay na statement na ipinadala ni Velasco sa mga reporters.

Matatandaang tinawag ni Maine ang pansin ng Inquirer.net dahil sa inilabas nitong istorya ukol sa “official” trip ni Arjo kung saan kasama siya.

Aniya, “Arjo will go to Locarno as his film is part of the Locarno film fest. Our personal trip after that is at personal expense… out of our own pockets.”

Sinabihan pa ni Maine netizens na ugaliing mag-fact check at huwag maging padalos-dalos sa pagre-react sa mga nababasa online.

Dagdag pa niya, “Next time yung magagaling nating netizens, kung walang time mag fact-check, huwag padalos-dalos sa pag react. Mema minsan. Pati kayo nagpapaloko sa maling balita at impormasyon. Sayang ang pagiging ‘woke’ kung lahat nalang papaniwalaan.”

Makalipas ang ilang oras ay binura rin ni Maine ang kanyang mga tweets sa X (dating Twitter).

Baka Bet Mo: Arjo Atayde pinakasalan daw ang ‘clone’ ni Maine Mendoza, ‘delulu’ fans ng AlDub ayaw tumigil

Ngunit nitong Miyerkules nang umaga ay muling nag-tweet si Maine kalakip ang ulat ng Inquirer.net na “misleading and lacking context”.

“It insinuates that this trip is at government expense. There are two kinds of ‘official’ travels and I hope you include that in your article and where this trip falls under. I will probably be asked to delete this again but I shall say it again one last time, EVERYTHING is at PERSONAL EXPENSE. 100%. No government funds will be used,” sey ng “E.A.T.” host.

Naninindigan naman ang Inquirer.net sa kanilang istoryang inilabas patungkol sa 22-day “official” travel ni Arjo lalo na’t may mga dokumentong magpapatunay na tama ang kanilang iniulat.

Bukod pa rito, wala namang sinabi sa ulat na manggagaling sa pondo ng taumbayan ang gagastusin para sa kanilang travel bagkus inilahad lang nito na “official” ang trip ni Arjo na base rin sa inilabas na press release ng kampo ng actor-politician.

“Newlywed couple Quezon City first district Congressman Juan Carlos ‘Arjo’ Atayde and Maine Mendoza-Atayde will be heading to Europe on an official trip as Vice Chairperson of the Special Committee in the Congress on Creative Industry and Performing Arts on August 5.

“Despite the fact that he will be on official trip from August 5 to 27, Atayde will be working remotely while even he is away since his work in the congress and in his district, among other venues, are endless,” bahagi ng press release ukol sa 22-day trip ni Arjo kasama ang asawang si Maine.

Related Chika:
Netizens ‘umalma’ kay Noli De Castro: ‘What’s wrong with you? Ano ang kinalaman nila Maine at Arjo sa bagyo?’

Maine Mendoza, Arjo Atayde ikinasal na!

Read more...