Joko Diaz na-challenge sa pagganap na doktor: ‘Akala ko magaan, hindi pala! Mas mahirap itong role na ibinigay sa akin’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Joko Diaz
KINARIR talaga ng action star na si Joko Diaz ang pag-aaral at pagri-research sa kanyang karakter bilang doktor sa ABS-CBN Entertainment at TV5 afternoon series na “Nag-Aapoy na Damdamin.”
Isa si Joko sa mga magbibigay-kulay sa takbo ng kuwento ng naturang proyekto, na isa sa mga unang kolaborasyon ng Kapamilya at Kapatid Network, mula sa direksyon nina FM Reyes at Benedict Mique.
Ayon sa aktor, nu’ng in-offer pa lang sa kanya ang role alam na niyang hindi ito magiging madali para sa kanya, lalo pa’t ito ang unang pagkakataon na gaganap siyang doktor.
Pero sa serye, sinabi ni Joko na sa wakas, nakawala na rin siya sa mga kontrabida character na palagi niyang ginagawa sa mga teleserye.
“Akala ko magaan, hindi pala. Mas mahirap itong role na ibinigay sa akin dahil para maging seryoso ako na parang mabait na parang ‘di bagay, ‘di ba?
“Pero it’s a challenge and I accept challenges. Kasi pag hindi ko ginalingan dito mawawalan ako ng trabaho di ba? Pero kidding aside, actually it’s tough.
“I’ve been talking to direk about the role and naipaliwanag naman niya ng mabuti sa akin at sana hindi naman siya napapahiya du’n sa trabaho ko.
‘At ako’y nagpapasalamat din siyempre sa production ng JRB na binigyan nila ako ng chance at sumugal sa akin dito sa character na ito,” pahayag ng action star sa naganap na grand presscon ng “Nag-Aapoy na Damdamin” kamakailan.
“Nu’ng ibinigay sa amin yung mga characters namin, inupuan na kami ni direk. Du’n pa lang, nag-build na kami ng sarili naming character na okay sa kanila.
“Dito kasi doctor ako so kailangan ko maintindihan kung ano yung mga ibig sabihin ng terms so may konting research na gagawin. Pero dito yung puso sa character, yun yung kailangan maintindihan dito kasi ibang klase itong storyang ito eh. You really have to watch it,” lahad ni Joko.
Sey pa niya, tinanggap niya ang proyekto dahil ibang-iba naman ito sa ginampanan niyang role sa hit fantaserye ng ABS-CBN na “Mars Ravelo’s Darna” na talaga namang nagmarka sa mga manonood.
“Matagal na naman na iba’t ibang role ang tinatanggap ko. It’s just that dito sa serye, palagi akong masama. Sa lahat ng seryeng linabasan ko. Sa Kadenang Ginto, sa Ang Probinsyano, palaging masama.
“So dito, mag-iisip kayo. Pero yung most challenging na naging role ko is yung launching movie ko. But here in Nag-Aapoy Na Damdamin , this a versatile role, so iba ito. Ibang atake. Kumbaga sa tao, ibang ibang character ito sa lahat ng na-portray ko kaya abangan niyo,” paliwanag pa niya.
Samantala, wala rin daw siyang masasabi sa mga co-stars niya sa serye, lalo na sa production staff, “Hindi naman sila iba sa akin. Yung mga bago lang ngayon, actually wala, hindi uso ang attitude sa set namin.
“Mas lalo na pag ang dalawang director namin ay walang attitude, hindi ka puwede mag-attitude. Actually, lahat ng artista dito come on time, lahat nagpapakilala bago pumasok sa set so everybody knows each other and alam namin kung ano ang mga characters namin,” sey pa ni Joko Diaz.
Kasama rin sa “Nag-Aapoy Na Damdamin” sina Jane Oineza, Ria Atayde, Tony Labrusca, JC de Vera, Richard Quan, Maila Gumila, Joko Diaz, Carla Martinez, Nico Antonio, Kim Rodriguez, Aya Fernandez, Jeffrey Santos, Lovely Rivero, Jef Gaitan, William Lorenzo, Malou Crisologo at Elyson de Dios.
Napapanood from Monday to Friday, 3:50 p.m. sa iba’t ibang Kapamilya Channel at platforms.