Barbie, Maris game na game magsama sa isang collab project ng ABS-CBN at GMA; Ria, Tony, JC, Jane bibida sa 'Nag-Aapoy na Damdamin' | Bandera

Barbie, Maris game na game magsama sa isang collab project ng ABS-CBN at GMA; Ria, Tony, JC, Jane bibida sa ‘Nag-Aapoy na Damdamin’

Ervin Santiago |May 23,2023
facebook
share this

Barbie, Maris game na game magsama sa isang collab project ng ABS-CBN at GMA; Ria, Tony, JC, Jane bibida sa ‘Nag-Aapoy na Damdamin’

Ervin Santiago - May 23, 2023 - 10:58 AM

Barbie, Maris game na game magsama sa isang collab project ng ABS-CBN at GMA; Ria, Tony, JC, Jane bibida sa 'Nag-Aapoy na Damdamin'

Barbie Forteza at Maris Racal

NA-EXCITE nang bonggang-bongga ang mga fans at supporters nina Maris Racal at Barbie Forteza nang magpalitan ng message ang dalawang young actress sa social media.

Pareho kasing nagpahiwatig sina Maris at Barbie na payag na payag silang magsama sa isang project sakaling magkaroon uli ng collaboration ang GMA 7 at ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Malapit nang ipalabas sa GMA ang unang collab ng dalawang giant network, ang drama series na “Unbreak My Heart” na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia, Richard Yap at Joshua Garcia.

Kaya naman kahapon, May 22, sinagot ng Kapuso actress na si Barbie at Kapamilya star na si Maris ang mga netizens na nagtatanong kung okay ba silang maging “pair” sa pelikula o teleserye.

Baka Bet Mo: Rico nagpakilig sa pagbati kay Maris: Happy birthday Madam! Love you so much po!

Ito’y nagsimula sa tweet mula sa isang  TV and film fan page na nag-suggest sa pagsasama ng dalawang aktres. Sinagot nga ito ni Maris ng, “Sobrang game if ever.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)


Sa tweet naman ni Maris sumagot si Barbie ng, “Game!”

Aprub na aprub din sa mga fans sakaling mabigyan ng pagkakataon ang dalawang aktres na magsama sa isang proyekto. Promise nila, susuportahan nila ito nang bonggang-bongga!

* * *

Tiyak na mag-aalab ang mga puso ng mga manonood sa pagsasamahang proyekto ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na pinamagatang “Nag-Aapoy na Damdamin.”

Pangungunahan ang drama series ng Kapamilya stars na sina JC de Vera, Ria Atayde, Tony Labrusca, at Jane Oineza na gagampanan ang kauna-unahan niyang lead role sa teleserye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)


Sasailalim ito sa direksyon ni FM Reyes na nasa likod ng mga minahal na teleserye ng mga manonood na “Maging Sino Ka Man,” “Magpahanggang Wakas,” at “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

“Ang ganda ng kwento! It’s so intricate, it’s so passionate,” patikim na kwento ni Direk FM sa teleseryeng iproprodyus ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN.

Magiging bahagi rin ng bagong programa sina Joko Diaz, Kim Rodriguez, Maila Gumila, Aya Fernandez, at Nico Antonio.

Malapit nang mapanood ang “Nag-aapoy na Damdamin” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TV5.

Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rico nagpakilig sa pagbati kay Maris: Happy birthday Madam! Love you so much po!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending