Arjo, Maine hindi tumanggap ng regalo sa kanilang kasal, magkakaroon ng donation drive para sa mga indigenous group
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Maine Mendoza at Arjo Atayde
PAGKATAPOS ng kanilang kasal ni Congressman Arjo Atayde, ngayon pa lang ay abangers na ang fans ni Maine Mendoza sa kanyang pagbubuntis.
Excited na ang mga supporters nina Maine at Arjo sa magiging mga supling nila sa mga susunod na taon, sa katunayan may mga nabasa pa kaming comments na sana’y makabuo agad ang bagong kasal pagkatapos ng kanilang honeymoon.
Nakatakdang bumiyahe patungong Europe ang celebrity couple sa darating na August 5. Pero nilinaw ng actor-public servant na isa itong official trip at bahagi ng kanyang trabaho sa Congress bilang vice chairperson ng special committee na Creative Industry and Performing Arts.
Dadalo si Arjo sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland kung saan bibigyang-parangal ang pelikula nilang “Topakk” na idinirek ni Richard Somes.
“Me, Maine and the rest of my family are so thankful to hear this announcement just a few days before our wedding day.
“I am so thrilled and excited together with my wife Maine to be recognized by Locarno Film Festival,” ang pahayag ni Arjo na naka-schedule ring bumisita sa mga Filipino communities doon.
Balitang magtatagal sa Europe ang bagong kasal hanggang sa August 27. Ngunit nilinaw agad ng kampo ng kongresista at aktor na magtatrabaho pa rin doon ang husband ni Maine sa pamamagitan ng zoom meetings.
Kasabay nito, nilinaw din ni Maine sa isang tweet na ang pagpunta niya sa Europe ay mula sa sarili niyang bulsa at hindi galing sa kaban ng bayan.
Samantala, todo naman ang pasasalamat ng mag-asawa sa lahat ng mga dumalo sa kanilang kasal lalo na sa mga tumayong principal sponsors dahil kahit masama ang panahon ay umakyat pa rin ang mga ito sa Baguio para saksihan ang kanilang pag-iisang dibdib.
At knows n’yo ba na hindi rin tumanggap ng anumang wedding gift sina Arjo at Maine dahil magkakaroon sila ng donation drive pagkatapos ng kanilang kasal.
Ilalaan daw ng celebrity couple ang malilikom nilang halaga para sa indigenous groups sa Luzon. Ayon sa nasagap naming balita, mismong sina Maine at Arjo raw ang mag-aabot ng tulong sa nangangailangan nating mga kababayan.
Nauna rito, sa kanyang Facebook account, ibinandera ni Arjo ang kanyang wedding message para kay Maine. Narito ang kabuuan ng tulang isinulat ng kongresista.
“Cheers to Forever (wine glass and ring emojis).
“In a world where time dances swiftly by,
Where moments fade and memories die,
“Let us raise a glass to a love so rare,
A bond unbreakable, beyond compare.
“Cheers to forever, where hearts entwine,
Where love’s flame burns with a light divine,
“Through stormy seas and skies serene,
Together we stand, a united team.
“In laughter and tears, we find our way,
Hand in hand, come what may,
“Through seasons of joy and trials we face,
“Our love, a fortress, a sacred space.
“Cheers to the whispers in the night,
The gentle touch that feels so right,
“With each passing day, our love grows,
In every breath, a love that overflows.
“Through the years, as wrinkles trace our skin,
“Our souls entwined, a testament within,
With each passing milestone, we will see,
“Our love shining bright, for eternity.
“Cheers to the promises we make,
A vow unyielding, never to break,
“Through highs and lows, we’ll persevere,
For in each other’s arms, we find solace near.