Nathalie Hart hindi makapaniwalang ikinasal na sa Australian partner na si Brad Robert

Nathalie Hart hindi makapaniwalang ikinasal na sa Australian partner na si Brad Robert

PHOTO: Instagram/@imnathaliehart

MATAPOS ang pag-iisang dibdib nina Maine Mendoza at Arjo Atayde, ikinasal na rin ang sexy actress na si Nathalie Hart sa kanyang Australian partner na si Brad Robert.

Sa ilang Instagram posts, ibinandera mismo ni Nathalie ang ilang litrato ng mga kaganapan ng kanilang intimate wedding na naganap sa Sydney, Australia.

Sa isang post, inamin ng aktres na hindi siya makapaniwalang na isa na siyang married woman.

“Still can’t believe it [folded hands emoji],” caption niya.

Baka Bet Mo: Nathalie Hart wala pang planong magpakasal kahit engaged na: ‘Hindi naman kami nagmamadali, we are taking our time’

Sa isa pang hiwalay na IG post ay proud niyang ipinagmalaki ang bagong journey ng kanyang buhay.

Sey pa nga niya sa post, “Mr and Mrs [red heart emoji]”

Bukod sa fans, Nagpaabot ng “congratulatory” at “best wishes” messages ang ilang kapwa-artista.

Kabilang na riyan sina John Arcilla, Iza Calzado, Dianne Medina, Chynna Ortaleza, at marami pang iba.

Sa isang interview noong Abril ay chinika ni Nathalie ang mala-pelikulang love story nila ng mister na na-meet daw niya sa Facebook.

“Nakita ko lang ‘yung picture. Sabi ko, ‘pwede na, try ko lang kausapin.’ In-stalk ko,” kwento niya.

Patuloy niya, “Sabi ko ‘sige pwede na, kausapin ko na rin.’ Nasa ibang bansa siya but my whole family is actually from Australia.”

“Then I was going there to visit my family, isiningit ko na siya. So, nag-meet kami. Sabi ko ‘okay naman pala,’” chika pa niya.

Kuwento pa ng aktres, nagkakilala at nagkausap sila online ng October 2021, at nagdesisyong magkita two months later in December 2021 hanggang sa maging magdyowa na nga.

Makalipas ang anim na buwang relasyon, nag-propose na si Brad kay Nathalie noong August 2022 sa isang French restaurant sa Makati.

Related Chika:

Nathalie Hart in-stalk sa FB ang dyowang Australian: Nakita ko lang ‘yung picture, sabi ko, ‘pwede na, try ko lang’

Read more...