Misis ni Alfred Vargas maselan ang pagbubuntis sa ika-4 na anak: ‘Bed rest talaga, she’s only allowed to move 15 minutes a day’

Misis ni Alfred Vargas maselan ang pagbubuntis sa ika-4 na anak: 'Bed rest talaga, she’s only allowed to move 15 minutes a day'

Yasmine at Alfred Vargas

MAS humanga at mas minahal pa ngayon ni Councilor Alfred Vargas ang kanyang wifey na si Yasmine Vargas dahil sa tindi ng pagsasakripisyo nito para sa kanilang pamilya.

Ibinalita ng aktor at public servant kung gaano kaselan ang pagbubuntis ni Yasmine sa ikaapat nilang anak kaya naman hangga’t maaari ay hindi niya ito iniiwan sa bahay.

Nakachikahan namin si Alfred kasama ang ilan pang miyembro at opisyal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) si Alfred sa kanyang pa-lunch chikahan kamakailan kasama ang kapatid niyang kongresista na si PM Vargas.

Dito nga ibinalita ni Konsi Alfred na medyo maselan ang pagdadalang-tao ni Yasmine dahil sa pagkakaroon ng Generalized Anxiety Disorder. Fifteen weeks na ang dinadalang sanggol ni Yasmine


“Bed rest talaga. She’s only allowed to move 15 minutes a day,” sabi ni Alfred. Dagdag pa niya, may GAD na si Yasmine noong mabuntis sa ikatlong anak nila ngunit mas tumindi pa raw ang epekto nito sa kanya nang dumating ang ikaapat nilang anak.

“Bigla na lang nagpa-panic attack without any trigger, tapos nagpa-palpitate siya. Yung misis ko ano e, madaling mabuntis, pero mahirap magbuntis,” aniya pa.

At dahil dito, mas lalo pang tumaas ang paghanga at respeto niya sa lahat ng mga nanay, “Bilib ako sa inyong lahat. ‘Yung hirap na pinagdaraanan ng kababaihan, sobra!

Baka Bet Mo: Alfred Vargas kinakabahan na sa gagawing pelikula kasama si Ate Guy; iiwas na sa mga plastik at nega sa 2023

“Kapag nakikita kong nagsa-suffer ang wife ko para lang maalagaan ‘yung nasa sinapupunan, talagang ako, okay lang akong lumuhod para lang sambahin siya,” sabi ng konsehal.


“Siguro dahil pang-apat, kaya talagang tinututukan. Pero to be fair sa mga doctors, magagaling lahat. Magagaling lahat mga doctors niya. Bed rest lang talaga.

“Nu’n ngang GMA Gala, dapat kasama ko siya nu’n, pero hindi talaga kaya,” aniya pa.

Plano rin daw nilang magpa-gender reveal kapag nakapagpa-ultrasound na sila ni Yasmine. Sa tanong kung girl o boy ang gusto niyang maging 4th baby, “We’re just grateful kay God na nagulat kami, biglang ano, meron nang pang-apat.

“Sa pinagdaraanan ni Yasmine ngayon, kahit boy, kahit girl, okay lang basta healthy,” sey pa ni Alfred.

Alfred Vargas, Yasmien Espiritu magkaka-baby no. 4 na: ‘My Amore is now 13 weeks pregnant!’

Alfred Vargas hindi lalayasan ang showbiz: Acting will always be my passion, it’s my first love, pero…

Read more...