POOH natuto uling magdasal dahil sa lindol sa Bohol | Bandera

POOH natuto uling magdasal dahil sa lindol sa Bohol

Ambet Nabus - October 20, 2013 - 03:00 AM

Noong makapanayam namin si Pooh over DZMM sa “Mismo” program nina papa Jobert Sucaldito at papa Ahwel Paz, naramdaman namin ang pagiging totoo ng comedian-host.

Nagpakatotoo ito sa pagsasabing matagal ng panahon na rin nang huli siyang makapasok sa simbahan dahil nga sa sobrang kabisihan.

Inamin din niyang nakakalimot siya minsan sa pagdarasal kaya raw nang maranasan at masaksihan niya sampu ng kapwa Banana Split cast ang trahedyang lindol sa Bohol, “parang may kung anong tumapik sa akin,” sey pa nito.

Ngayong nag-sink in na sa kanya ang lahat ng kapraningan at pag-iisip ng katapusan ng mundo, medyo maliwanag na ang kanyang isip at napagtanto nga niyang siya mismo ay may malaking pagkukulang bilang isang Romano Katoliko.

“Aminin natin though sariling opinyon ko lang po ito na ang mga istruktura na dapat nating pinapasukan at pinagdarasalan ay parang mga laruan lang na nagtumbahan.

Hindi ko makakalimutan ang experience naming ito dahil hindi man ako saradong madasalin, natuto ako uling tumawag sa Kanya,” hirit pa ni Pooh.

Nakahanda raw silang magbigay suporta at tulong (talent service) sa mga grupong maglulunsad ng mga fund drives para sa mga nabiktima ng lindol sa Cebu at Bohol at iba pang lugar sa Kabisayaan, “Magandang wake-up call it sa mga gaya ko,” dugtong pa ni Pooh.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending