ChiKapalaran (July 31-August 6, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (July 31-August 6, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

KUMUSTA, ka-Bandera? Nawa’y maayos ang inyong mga lagay dahil sunud-sunod ang pagpasok ng mga bagyo. Para sa mas aliw na linggo, huwag kalilimutang basahin ang iyong ChiKapalaran!

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Arat na!

 

ARIES (March 21-April 19)

 

Mukhang nanganganib kayong maitakwil for this week dahil sa sobrang busy n’yo nakalimutan n’yo na mag-allot ng time sa mga loved ones n’yo.

Okay lang naman ang mag-grind nang mag-grind para sa future pero masyado mo naman kasing ginagalingan. Dalawin mo rin ang parents mo paminsan-minsan. Hindi na sila pa-bata. Hindi naman siguro kabawasan sa time mo ang 3-5 hours para makasama sila. Go. Bumiyahe ka na! Bilis.

Lucky Color: White

Lucky Number: 1

Song of the Week: Because of You by Ne-Yo

 

TAURUS (April 20-May 20)

 

Feeling stagnant? Feeling unappreciated? Lacking of motivation? Isipin mong maigi kung wala na ba talagang growth sa kasalukuyang posisyon mo.

Minsan kasi akala natin wala na pero ang kailangan lang pala natin ay pahinga. Pag-isipang maigi, dear. Pero kung wala na talaga, it’s time to move forward and say goodbye.

Lucky Color: Teal

Lucky Number: 18

Song of the Week: How To Love by Lil Wayne

 

GEMINI (May 21-June 20)

 

Wala namang madali sa mundo kaya kung ano man yang pinagdaraanan mo, deserve mo yan. Chariz.

Ang mga pagsubok na dumarating sa ‘yo nang sunud-sunod ay senyales ng mas magiging magandang kinabukasan. Kaya kahit mahirap besh, ilaban mo ‘yan hanggang finish line! Hindi naman tayo pinalaki ng sexbomb para bumawi. Go go go!

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 23

Song of the Week: My Boo by User ft. Alicia Keys

 

CANCER (June 21-July 22)

 

Sa ngayon ay binabati kita dahil mukhang at peace ang iyong buhay, tahimik at walang epal.

Enjoy the moment pero ingat rin sa susunod dahil minsan may topak si universe, bigla-biglang nagdedesisyon kung sinong aansyahin sa life.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 26

Song of the Week: No Air by Jordin Sparks ft. Chris Brown

 

LEO (July 23-August 22)

 

Wala akong masyadong sasabihin kasi season n’yo ito. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging bibo mo para mas sumaya ka in life.

Basta deadma sa bashers lang, bhiE. Kung sa tingin mo galit sila sa ‘yo, mas galitin mo pa para pak na pak ang heart attack. Chareng.

Lucky Color: Indigo

Lucky Number: 11

Song of the Week: We Ride by Rihanna

 

Baka Bet Mo:  ChiKapalaran (July 24-30, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

 

VIRGO (August 23-September 22)

 

Lately ay pinapanigan kayo ng universe. Prayer reveal naman mga mami para naman hindi kayo masyadong nakakalamang.

Pero don’t forget your blessings, sissy mars. Huwag magdadamot dahil pag ikaw ang pinagdamutan ni universe, sorry malala ka talaga.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 7

Song of the Week: Where Is The Love by Black Eyed Peas

 

LIBRA (September 23-October 22)

 

Huwag kang matakot i-express ang feelings mo dahil unang-una, kung mahal ka nila, maiintindihan at mag-a-adjust sila. Pangalawa, kung hindi man nila ma-gets kung saan ka nanggagaling, edi shing. Joke.

May mga tao sa buhay mo na mag-e-effort na intindihin at mahalin ka. Doon ka mag-focus. Sayang energy sa mga taong nandyan lang pag masaya ka.

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 20

Song of the Week: How Do I Breathe by Mario

 

SCORPIO (October 23-November 21)

 

Wala namang bago sa ngayon. Tamang chill lang. Hindi ka masaya. Hindi ka malungkot. Saktuhan lang ang emosyon.

Natutunan mo na rin kasi ang art of deadma kaya hindi ka na masyadong nang-o-overthink. Ang bago mo nang mantra ngayon ay “it is what it is”. Hindi man cute para sa iba pero at least, alam mo na hiw to guard yourself. Good job!

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 13

Song of the Week:So Into You by Tamia

 

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

 

Kung talagang maganda ang hangarin mo, bakit hindi mo siya diretsuhin? For sure ay maiintindihan naman niya kung saan ka nanggagaling.

Open communication is the key. Kung mananatili kang tahimik at walang imik, parte ka ng problema. So go. It’s hard pero malay mo naman it will create better results, ‘di ba?

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 7

Song of the Week: Naughty Girl by Beyonce

 

CAPRICORN (December 22-January 19)

 

Let’s all practice na magtulungan hindi ‘yung puro sumbatan at inisan. Christmas and New Year season kayo. Dapat steady lang. Huwag puro mapagmataas sa iba.

Sabi ni universe, walang masama sa pagpapakumbaba pero hindi mo naman ginagawa. Sige ka. Wala kang gift sa Pasko. Lagoooot!

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 30

Song of the Week: No Scrubs by TLC

 

AQUARIUS (January 20-February 18)

 

Taray naman ng atake mo dyan, mars. As a main character ka, bhie? Di papatalo yarn?

Matuto naman tayong maging mapang-unawa sa iba. Minsan feeling mo gets ka na nila kasi ugali mo na yan pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay maiintindihan ka ng iba.

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 18

Song of the Week: She Will Be Loved by Maroon 5

 

PISCES (February 19-March 19)

 

Ay may nanalo na talaga! Nangangamoy wedding na itey. Congrats naman sa ‘yo! Basta huwag n’yong kakabugin ang kasalang Maine at Arjo! Magagalit ang AlDub fans. Kimmmmmy!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 12

Song of the Week: Emotion by Destiny’s Child

 

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday, mga bida-bida! Congratulations mama! Universe is here and will let you slay… sa bahay. Chos!

Maging masaya ka lang mami. Hindi lahat ng problema may solusyon pero ang mahalaga, ikaw ang bida sa okasyong ito. Deadma sa bashers!

Lucky Color: Green

Lucky Number: 1

Song of the Week: Foolish One by Taylor Swift

 

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Iba Pang ChiKapalaran:
ChiKapalaran (July 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (July 10-16, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Read more...