Tito Sen nanindigan, walang karapatang mag-celebrate ang TAPE ng 44th anniversary ng ‘Eat Bulaga’

Tito Sen nanindigan, walang karapatang mag-celebrate ang TAPE ng 44th anniversary ng 'Eat Bulaga'

Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

MULING ipinagdiinan ng movie at TV icon na si dating Sen. Tito Sotto na walang karapatan ang TAPE, Incorporated na ipagdiwang ang 44th anniversary ng “Eat Bulaga.”

Nanindigan ang original host ng longest-running noontime show sa bansa na ang TVJ at ang iba pang legit Dabarkads ang dapat nagse-celebrate sa 44 years ng programa.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, matapang na ibinandera ni Tito Sen ang kanyang saloobin tungkol sa patuloy na pag-ere ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 na pinangungunahan ngayon nina Paolo Contis, Isko Moreno, Buboy Villar, Betong Sumaya, Mavy at Cassy Legaspi at marami pang iba.


“Tape inc has absolutely no right to celebrate 44 years. They existed only in 1981.

“They did not exist in 1979. EB ceased to be EB when TVJ left them,” ang tweet ni Tito Sen.

Baka Bet Mo: Joey may banat sa selebrasyon ng 44th anniversary ng ‘Eat Bulaga’ sa GMA: ‘Kami ang legit yung mga peke baligtarin n’yo yung legit…tigel na kayo’

Marami ang sumang-ayon sa veteran comedian pero may mga kumontra rin na nagsabing ang pamilya Jalosjos din ang may-ari ng Production Specialist na unang producer daw ng “Eat Bulaga.”

“Production Specialist is the 1st producer of EB which is also owned by Romeo Jalosjos,” ang komento ng isang Twitter user.

Nitong nagdaang Sabado, July 29, nag-celebrate ng ika-44 anibersaryo ang “Eat Bulaga” sa GMA 7 kasabay ng launching ng bago nilang theme song, ang “Tahanang Pinakamasaya, Eat Bulaga.”

Kinanta ito nina Isko, Paolo, Betong, Buboy, Mavy, Cassy, Winwyn Marquez, Chariz Solomon, Dasuri Choi, Yasser Marta, Michael Sager at Kimpoy Feliciano.

Nagdiwang naman ang TVJ kasama ang kanilang mga co-hosts ng “National Dabarkads Day” sa programa nilang “E.A.T.” sa TV5.


Nauna rito, muling nagpatutsada si Joey na pinaniniwalaang para sa “Eat Bulaga” dahil sa pagse-celebrate nga nila ng 44 years on TV.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng showbiz icon ang litrato ng mga hosts ng “E.A.T.” kaugnay ng kanilang “National Dabarkads Day.”

“As of today, nadagdagan na naman ang mga network monikers and nicknames,” ang caption ni Joey sa kanyang IG post.

“Kapatid, Kapamilya, Kapuso, KAPALMUKS!” hirit pa niyang pang-ookray. Hindi naman niya tinukoy kung sinu-sino ang sinabihan niya ng “kapalmuks” o “kapal ng mukha.”

#MayForever…Alden muling ibinandera ang loyalty sa TVJ: ‘My support for them will go until the end of times’

Pauleen na-achieve na ang pre-baby body: Hindi ko ito ginagawa para sa atensyon ng asawa ko

Read more...