TINIYAK ng Philippine Statistics Authority in Central Visayas (PSA-7) na tinutugunan na nila ang na-hack nilang Facebook account.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, halos limang buwan na nilang hindi magamit ang nasabing FB account na kung saan ay iba’t-ibang picture na ng mga babae ang naka-upload at naka-post.
At dahil maraming netizens na nga ang nakapansin sa pagbabago ng kanilang FB account ay naglabas na sila ng public advisory.
“PSA 7 do not have access with this account,” anunsyo ng ahensya.
Lahad pa nila, “We have already reported this concern to meta since February.”
Baka Bet Mo: FB account ni Jaclyn Jose muling na-hack, nagreklamo na sa NBI: Bastos at walang galang itong gumagawa ng ganito
Nakapanayam ng CDN Digital ang director ng PSA-7 na si Ariel Florendo at tiniyak niya na tinutugunan na nila ang insidente.
“Soon, we will give another press release for everyone para maging official. Nag coordinate din [kami] sa [PSA] Manila, and it has been addressed,” sey niya.
Sambit pa ni Florendo, “But we’re slowly doing this and carefully doing this because na hack man siya (Facebook page) but everything is under control.”
“Na-address na siya properly and soon we will have again the Facebook (to) be accessible and to be used by everyone,” pagtitiyak niya.
Nabanggit niya na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center, at iba pang concerned agencies.
“We also connected ourselves with the META which is in control with Facebook,” dagdag pa ng regional director.
“This might be a temporary thing lang. We’re still trying to look na this will not happen again in the future. So, any development, we’ll inform you,” sey ni Florendo.
As of writing, ang active Facebook page ng PSA-7 ay mayroong 1,000 followers at mahigit 700 likes.
Read more: