Marian, Dingdong proud na proud kay Zia, wagi ng 6 medals sa swimming competition

Marian, Dingdong proud na proud kay Zia, wagi ng 6 medals sa swimming competition

PHOTO: Instagram/@dongdantes

PROUD parents nanaman ang celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera!

Matapos kasing mag-uwi ng gold medal ang bunsong anak nila na si Sixto sa Taekwondo noong Abril, humakot naman ng mga parangal ang panganay nilang anak na si Zia.

Sa Instagram, proud na ibinalita ni Marian na nagwagi hindi lang isa kundi anim na medalya sa swimming competition ang unica hija.

“Words can’t express how proud I am of my daughter’s incredible swimming accomplishments! [swimming, gold medal emoji],” wika ni Marian sa post.

Proud pa niyang sinabi, “She just won a total of 6 medals in the competition and I couldn’t be happier.”

Lubos din siyang nagpasalamat sa Panginoon, pati na rin sa mga swimming coaches na nagtiyagang nag-training sa kanyang anak.

“Thank you, God, for showering us with these blessings! [folded hands emoji] Huge thanks to Coach Angelo and Coach Miguel for their dedication and hard work in training Zia,” sey niya.

Baka Bet Mo: Bakit isinasama ni Dingdong si Zia kapag nagbo-voice over sa ‘Amazing Earth?

Bukod diyan ay ibinandera rin ng Kapuso actress ang video ni Zia sa gitna ng kompetisyon.

“So proud of you Ate Zia [random emojis],” caption ni Marian.

Siyempre, hindi rin pinalampas ni Dingdong ang pagkakataon na ipahayag ang kanyang pagiging proud father.

Ibinahagi niya ang litrato ng kanyang mag-ina at sinabing, “Behind the success of every aspiring athlete is the magic touch of their support team.”

Base sa Instagram Stories ng aktor, ilan sa mga napanalunan ni Zia ay ang 25 meter backstroke at freestyle na parehong first place.

Related Chika:

Rabiya nalaglag sa swimming pool habang nasa Miss Universe pictorial, video shoot

Read more...