TUWANG-TUWA ang OPM artist na si Zack Tabudlo matapos mabalitaan na ginawan ng song cover ng isang sikat na Korean idol ang kanyang kanta.
Nag-viral sa social media ang uploaded video ni Lee Heeseung ng K-Pop boy group na ENHYPEN habang hinaharanahan ang kanyang fans ng awiting “Give Me Your Forever” ni Zack.
“Surprise present for Engene! [gift emoji]” caption sa Twitter post ng grupo.
Surprise Present for ENGENE! 🎁
(https://t.co/pbAiWgcgtg)#ENHYPEN #HEESEUNG— ENHYPEN (@ENHYPEN_members) July 27, 2023
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Zack Tabudlo ‘goal’ ang makatulong sa maraming tao sa pamamagitan ng musika
As of this writing, umaani na ng mahigit 10.2 million views ang nasabing video.
At dahil nag-viral nga ‘yan ay agad itong nakita at napansin mismo ng Pinoy artist.
Sa pamamagitan ng isang tweet ay inihayag ni Zack ang kanyang pagkatuwa at sinabing, “Bro…. freakin heeseung from @ENHYPEN_members covered ‘Give me your forever.’ Holyyy molyyy!”
Kasunod niyan ay inalala pa niya na ginawan din ng song cover ni Jung Kook ng sikat na BTS ang kaparehong kanta noong Mayo.
Sey niya, first jungkook now heeseung what is life even [crying, red heart emojis] what an honor [crying, red heart emojis].”
bro…. freakin heeseung from @ENHYPEN_members covered give me your forever holyyy molyyy. 😭 first jungkook now heeseung what is life even 🥺😭❤️ what an honor 😭💕 pic.twitter.com/xAxRbc7sZM
— Zack Tabudlo (@zacktabudlo) July 27, 2023
Libo-libong netizens at fans naman ang nagkomento sa naging reaksyon ni Zack at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Happy for you, Zack. It’s a good song! My boy sure got a good taste [smiling face emoji].”
“Congrats zack! I keep suggesting this song in every live if they play songs and finally!!”
“Your song is so beautiful that is the Main reason. Heeseung [fire emoji] from #ENHYPEN always supports great songs and great Singers like you.”
Ang “Give Me Your Forever” ay parte ng full-length debut album ni Zack na pinamagatang “Episode” na inilabas noong OCtober 2021.
Related Chika:
Zack Tabudlo may pa-‘soft launch’ ng dyowa, si Moira dela Torre nga kaya?