HINDI mapigilan ng actor-comedian na si Paolo Contis ang maging emosyonal habang ipinagdiriwang nila ang ika-44th anniversary ng longest running noontime program na “Eat Bulaga”.
Ngayong araw, July 29, isinelebreyt ng mga Kapuso ang isa pang milestone ng naturang noontime program kahit na wala na ang dati nitong naunang mga hosts.
Sa pag-uumpisa pa lang ng programa ay ibinahagi na ni Paolo ang kahalagahan ng bagong milestone ng “Eat Bulaga”.
“Mahalaga po ang araw na ‘to sa Eat Bulaga. Forty-four years ago, sinimulan po ng Eat Bulaga ang pagbibigay ng saya.
“Lumipas man po ang panahon, sa kahit na anong pagkakataon, maiba man po ang mga artistang humaharap sa inyo araw-araw, ang hindi po magbabago ay ang hangarin ng ‘Eat Bulaga’ na magbigay ng saya at magbahagi ng pag-asa. Tulong at saya, yan po ang aming bagong tugon, sa panahong ito,” saad ni Paolo.
Maging si dating Manila mayor Isko Moreno sy hindi mapigilan ang maging emosyonal at nagpasalamat sa mga walang sawang manonood at tagasubaybay ng programa.
Baka Bet Mo: Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng papremyo pero hindi nagsusustento: Akin? Pera ko?
“Mga Kapuso, noong nagsisimula kami bilang bagong host, ang ipinangako namin sa inyo ay kayo ang laging dahilan kung bakit kami naririto. Dahil sa inyo mga manonood. Sabi nga namin, it’s not always about the host, it’s always about the viewers.
Kayo sa studio, kayong mga manonood sa kani-kanyang tahanan, na lagi niyo kaming isinasama sa inyong tanghalian, napakaraming salamat po sa inyong lahat,” lahad ni Isko.
Matapos nito ay ipinarinig rin nila Paolo ang bagong theme song ng “Eat Bulaga”.
“Ang gusto namin, fresh lang kaya mas pinaganda namin ang kantang ito na mas akma sa bagong panahon at bagong panlasa. Pero ang puso at hangarin ng Eat Bulaga siyempre hindi po ‘yan mawawala. Kalakip ito ng kanta dahil siyempre nilikha ito para sa inyo. All for you dahil 44 [years] na tayo.
“Para sa mas masarap na tanghalian at sa araw-araw na busog ng puso at pagtulong para sa inyo. Ito ang bagong kanta para sa bawat Pilipino na naging bahagi ng kasaysayan ng noontime at nakilala po natin sa tawag na ‘Eat Bulaga’… This is all for you,” sey pa ni Paolo.
Related Chika:
Paolo Contis binanatan ni Rendon Labador: Sustento muna bago papremyo!